Sabi ni P-BBM noon ibabangon niya ang ‘Pinas, ‘yun pala ibabaon sa utang
- BULGAR
- Aug 12, 2023
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | August 12, 2023
PANG-UUNGGOY LANG ANG SLOGAN NI P-BBM NA IBABANGON ANG ‘PINAS KASI ANG TOTOO IBABAON DIN PALA SA UTANG -- Ang iniwang utang ng Duterte administration sa Pilipinas ay higit P12.79 trillion, at sa isang taong panunungkulan ni Pres. Bongbong Marcos ay nakautang na ito sa mga financial institution sa mundo ng higit P1.31 trillion kung kaya’t ang pandaigdigang utang ngayon ng ‘Pinas, ayon sa Bureau of Treasury (BOT) ay pumalo na sa higit P14.10 trillion.
Patunay ‘yan na pang-uunggoy lang ni P-BBM ang slogan niya noong campaign period na ibabangon niya ang Pilipinas, kasi ang katotohanan pala ay tutularan niya si ex-P-Duterte, na ibabaon din sa utang ang Philippines, boom!
◘◘◘
PHILIPPINE COAST GUARD P10-M LANG ANG INTEL FUND, TAPOS CONFI FUND NI SARA P500-M -- Para kay ACT Teacher Partylist Rep. France Castro ay hindi katanggap-tanggap na bigyan muli ng P500 million confidential fund para sa year 2024 si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio, tapos ang sa Philippine Coast Guard (PCG) ay P10-M lang ang intelligence fund na ibinibigay ng gobyerno.
Kaya naman pala laging nabubulaga na lang ang PCG. And’yan na bigla na lang gigitgitin sa dagat ng malalaking barko ng Chinese Coast Guard (CCG) ang maliliit na PCG patrol boat sa dagat, and’yan na tutukan ng laser beam at and’yan na kakanyunin ng tubig, kasi nga kakarampot lang pala ang kanilang intelligence fund, tapos ang Office of the Vice President (OVP) ni VP Sara na wala namang kinalaman sa intelligence gathering ay daan-daang milyong piso ang confidential fund, tsk!
◘◘◘
SA IBANG BANSA MALAKI ANG CONFI AT INTEL FUNDS SA MILITARY, SA ‘PINAS MAS MALAKI CONFI AT INTEL FUNDS NG MGA TRAPO -- Sa ibang bansa, kaya madali nilang nadi-detect ang anumang pagtatangka ng mga terorista o pag-atake ng ibang bansa sa kanilang bansa ay dahil malaki ang ibinibigay na confidential funds ng gobyerno nila sa kanilang military.
Kabaliktaran sa ‘Pinas, kasi dito, mas malaki ang ibinibigay ng gobyerno na confidential at intelligence funds sa mga trapo (traditional politician) at kakarampot ang ibinibigay na “confi at intel” funds sa military, boom!
◘◘◘
WALANG FOREIGN INVESTORS NA NAMUMUHUNAN SA ‘PINAS KAYA FAKE NEWS ANG IBINIDA NG PSA NA MARAMI NANG PINOY NA NAGKAKATRABAHO -- Fake news ang ibinida ng mga alagad ni P-BBM sa Philippine Statistics Authority (PSA) na maraming Pinoy na raw ang nagkakaroon ng trabaho sa Pilipinas.
Kaya natin nasabing fake news, kasi paanong dadami ang magkakatrabaho sa ‘Pinas, eh mula nang maging presidente ng bansa si P-BBM ay kahit isang foreign investors ay wala pang pumapasok sa Pilipinas para magtayo ng negosyo, period!




Comments