top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sa wakas, nalinaw na raw… MGA SUSPEK SA DACERA SLAY, 'NAABSUWELTO' DAHIL SA INTERBYU NI BOY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 16, 2021
  • 3 min read

Julie Bonifacio - @Winner | January 16, 2021




Intense ang naging talakayan ng King of Talk na si Boy Abunda sa mga nasangkot na LGBTQ+ members sa Dacera rape-slay case sa The Boy Abunda Interview Specials: Who Killed Christine Dacera? show on his YouTube channel, ang The Boy Abunda Talk Channel, last Wednesday night.


Live sa YouTube ang naganap na interbyu ni Kuya Boy sa limang nakasama ng namatay na flight stewardess na si Christine noong January 1, 2021.


Kasama ang isang abogado, humarap kay Kuya Boy sina Rommel Galido, Clark Rapinan, Valentin Rosales, JP Dela Serna and Gregorio Angelo (Gigo) de Guzman.


Sa panayam sa kanila ni Kuya Boy, naklaro agad sa isip namin ang mga tanong sa naganap sa magkakaibigan nu'ng New Year's eve.


Kuya Boy and his team really did an intensive research sa mga lumabas na balita sa TV at sa social media tungkol sa insidente.


Nagkaroon ng pagpapalitan ng opinyon si Kuya Boy at ang abogado ng mga magkakaibigan sa statement na nag-viral sa social media na may kinalaman sa gender issue.


Ito 'yung 11 gays and one woman referring to Christine and her friends sa room 2209.

Say ni Kuya Boy, it shouldn't be a gender issue.


Ang haba ng palitan ng paliwanag nina Kuya Boy at ng abogado. But it turned out na makakatulong din 'yun sa pagsasantabi ng gender issue sa insidente.


Natukoy din sa interbyu ni Kuya Boy ang "missing link" na nag-uugnay sa mga taong nasa Room 2207 and 2209.


"In Room 2207, in your declarations, iisa lang ang inyong kilala. Tell us about Edward Madrid. Who is he? Sino ang nakakakilala at paano ninyo siya kilala?"


"Actually, si Edward Madrid, kaibigan niya itong si Ray Englan. Na-meet lang namin siya noong November 7," sagot ni Rommel na sabi ng mga netizens ay hawig ni James Reid.


"Were you surprised that Ed Madrid was in Room 2207? Did you have an idea that he's going to be there?"


Hindi raw nila alam na nandoon si Ed sa Room 2207. Eventually daw kasi, naging magkaibigan sila ni Rommel at ng mga nasa Rm. 2207.


Kaya tanong ulit ni Kuya Boy, paano sila nag-meet? Pero bago sinagot ni Rommel ay pinigil muna siya ni Kuya Boy at si JP ang kanyang kinausap.


"JP (Dela Serna), ikaw daw ang nagpakilala sa mga taga-2207 kay JP Halili?" pang-uusisa ni Kuya Boy.


"Uh, yes. Ang kakilala talaga ng 2207 ay si Ed. So, si Edward Madrid, friend siya (JP) ni Edward Madrid, 'yung nasa 2207," tugon ni JP Dela Serna.


Ed is part of 2209 na kabilang sa 11 men na kasama ni Christine.


Isa lang daw ang kilala ni Ed sa 2207 at 'yun ay si DJ. Then, circle of friends ni DJ 'yung nasa 2207. At na-reveal din ni Kuya Boy from JP na si DJ ay ka-fling ni Ed.


"So, 'yung nasa kabilang room (2207), hindi talaga namin sila kilala," sabi pa ni JP.


Hirit na tanong pa ni Kuya Boy kay JP kung 'yung fling-fling relationship nina Ed at DJ ay active pa, wala na sila or sila pa rin.


"Uh, nag-i-start pa lang po," ani JP.


'Yan ay ilang bahagi pa lang ng interbyu ni Kuya Boy sa magkakaibigan. Bibilib ka talaga kay Kuya Boy dahil sa kabila ng ilang buwan na wala na siya sa TV, hindi pa rin kinalawang ang husay niya sa pagtatanong at pagho-host.


"Eto ang interview real talk, walang paliguy-ligoy, Boy Abunda is the best."


"Tito Boy is such a legend."


"Mas naintindihan ko pa itong probing ni Tito Boy kaysa sa mga (kapulisan) police investigation. Mabuhay ka, Boy Abunda!"


"Tito Boy was the best... Naniniwala ako na these guys are innocent. This interview made me cry."


Dahil sa comment ng mga netizens, lalo tuloy namin na-miss na mapanood ulit si Kuya Boy sa kanyang talk shows sa ABS-CBN.


Hopefully, maibalik na ulit si Kuya Boy at ang kanyang mga programa sa Kapamilya Network.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page