top of page

Sa wakas! Fans tuwang-tuwa… KATHRYN AT NADINE, MAGSASAMA SA COMMERCIAL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 1
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | May. 1, 2025



Photo: Kathryn Bernardo at Nadine Lustre - IG - Circulated - Aivee Clinic


Usap-usapan sa X (dating Twitter) ang pagsasama nina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre para sa isang product endorsement.


May nag-post kasi sa X na blind item pero knows agad ng mga netizens kung sinu-sino ang mga artistang tinutukoy dito.


Narito ang post sa X, “Two of the best actresses of their generation are coming together to slay in an upcoming TV commercial for a popular hair care brand. Fans are thrilled to see them share the screen again, hoping this leads to more projects together–whether in a series or a film.”


Sey ng mga netizens:


“Oh my God!! This is it — finally KathDine!”

“Kath and Nadz.”

“Kathryn Bernardo and Nadine Lustre’s Sunsilk and Cream Silk collab for Unilever.”


Kamakailan lang ay nagpa-picture na magkasama sina Nadine at Kathryn sa ginanap na ABS-CBN Ball. Feeling ng mga netizens, patikim na raw pala ‘yun ng gagawin nila na magkasama for a product endorsement.


“Expected na po ito bilang nagbigay na sila ng hint sa ABS-CBN Ball.”


May nagwi-wish din na masundan ng pelikula o drama series ang pagsasama nina Kathryn at Nadine after ng product endorsement.


“Wow! Hope may mag-offer sa kanilang dalawa film man or series...#KathDine.”

“Ituloy ang Alta please kahit short series lang kung hindi man movie.”

True.



IN the works na pala ang sequel para sa box office hit movie sa 2017 Metro Manila Film Festival, ang Deadma Walking (DW) sa direksiyon ni Julius Alfonso, written by Eric Cabahug and produced by T-Rex Entertainment.


Actually, noon pa inaabangan ang sequel ng DM right after mapanood sa MMFF. Pero s’yempre, ‘di naman ganoon kadaling gumawa ng sequel, ‘di ba?


But now, after seven years, nakaka-excite malaman na in the works na ang sequel ng DM na may working title na Drag Me 2 Heaven (DM2H).


Ayon kay Direk Julius sa panayam sa kanya ni Alwyn Ignacio ng Daily Tribune, “Initially, walang plano at all for a sequel, not even a prequel. But there was a clamor for a follow-up to DM. Through the years, our first venture developed some sort of a cult following.  


“Halfway through the pandemic era, our writer Eric Cabahug, creative producer Vanessa de Leon and I constantly discussed it. A couple of months ago, while developing some other projects and concepts, we formally decided for this long-awaited and anticipated sequel.  

“We are so excited about it. Throughout the brainstorming, we’ve come up with endless possibilities about the characters and the narrative.”


Naniniwala si Direk Julius na nagdala ng bago at kapana-panabik na tema ang DM para sa genre nito. May tamang dami lang ng komedya (na walang katawa-tawa) at drama (na hindi masyadong sentimental).


Para kay Direk Julius, life-changing ang idinulot sa kanya ng pagpapalabas ng DM na first directorial movie niya.


Less than a month after ipalabas ang DM sa mga sinehan, inalok agad si Direk Julius na gumawa ng teleserye sa ABS-CBN, ang Sana Dalawa ang Puso Ko (SD) nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap at Robin Padilla.


Bukod d’yan, may ginawa pa na pelikula si Direk Julius para sa sinehan at streaming platforms. Plus, iba pang projects for cable networks.


Mapapanood pa rin daw sa sequel ng DM sina Joross Gamboa, Edgar Allan Guzman at Dimples Romana.


Excited much!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page