Sa usapin ng ICC… Du30, mas pipiliing makulong sa Muntinlupa
- BULGAR
- Aug 5, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | August 5, 2022

Pinaninindigan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang posisyon na ang International Criminal Court (ICC) ay walang hurisdiksyon sa Pilipinas.
Sa isang interview nitong Huwebes sa Heritage Park, kung saan siya nagbigay ng kanyang paggalang sa yumaong dating Pangulong Fidel V. Ramos, sinabi ni Duterte, “I am a Filipino. If I will be prosecuted it will be a prosecutor who is a Filipino.”
“If I will be judged, it will be a Filipino judge. And if I should go to prison, I should go to Muntinlupa. Nobody but nobody else can sa akin. It has to be our or within our jurisdiction,” pahayag ni Duterte.
“Wala, matanda na ako. I’ve no qualms about going to prison. I’m 77, 80. Ano makuha nila sa akin? I can read to death there inside. So many books to read,” dagdag ng dating pangulo.
“During the six years that I was, well, attending to the affairs of the nation. Marami akong hindi nagawa, kaya gagawin ko na. Wala akong problema d’yan sa ICC, ICC personally,” sabi ni Duterte.
Ang administrasyong Duterte ay nasa posisyon na ang Rome Statute na siyang na-create ng ICC ay hindi kailanman nai-publish sa Official Gazette.
Nang tanungin at hingan ng komento hinggil sa desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.na hindi sumali uli sa ICC, sinabi ni Duterte, “I would rather not comment on it actually. I am a civilian, I cannot say anything about it. Tahimik lang muna ako. ”
Una nang naipahayag ni Pangulong Marcos noong Lunes na ang Pilipinas ay walang intensyon na muling sumali sa ICC.





Comments