Sa SONA ni P-BBM… Klase suspendido, mga empleyado maagang dismissal – QC gov’t
ni Lolet Abania | July 24, 2022

Inatasan na ang mga empleyado ng lokal na gobyerno ng Quezon City na magtrabaho lamang ng hanggang alas-12:00 ng tanghali sa Lunes, Hulyo 25, kaugnay ito ng unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
Sa isang memorandum, sinabi ni QC Mayor Joy Belmonte na ang mga essential services gaya ng law enforcement, traffic management, fire protection, health and rescue, at disaster response and management ang magpapatuloy at hindi matitigil ang serbisyo.
Isasagawa ni Pangulong Marcos ang kanyang SONA Batasang Pambansa Complex sa Quezon City na ngayon ay naka-lockdown bilang bahagi ng kanilang security measures.
Tinatayang 21,000 security forces ang ide-deploy sa nasabing okasyon.
Gayundin, ang mga klase sa lahat ng levels sa mga pribado at pampublikong paaralan sa lungsod ay suspendido na sa Lunes dahil sa SONA.





Comments