Sa relasyon daw nila ni Jak, Barbie… KYLIE: WHAT YOU SEE IS WHAT YOU GET
- BULGAR

- Oct 9
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | October 9, 2025

Photo: IG @kyliepadilla
Magtatapos na this week ang My Father’s Wife (MFW) nang lumutang ang tsika na nagiging close at sweet sina Kylie Padilla at Jak Roberto sa set, kaya hindi masasabing promo for the afternoon series ang closeness nila.
Actually, last week pa lumutang ang tsika kina Kyline at Jak at may mga naniniwala na nga sana.
Kaya lang, alam ng marami na may boyfriend ang aktres, kaya ‘yung sagot ni Jak sa tanong tungkol sa kanila ni Kylie na “Importante s’ya sa akin” ay parang sagot lang ng magtropa.
Sinundan pa niya ng “Close lang talaga kami. Sobrang komportable lang kami sa isa’t isa.”
Nang si Kylie naman ang tanungin tungkol sa kanila ni Jak, generic ang sagot na, “What you see is what you get,” at sinundan ng tawa.
Samantala, si Gabby Concepcion na ang nagsabi na nagkakaroon ng separation anxiety ang cast dahil hindi na sila magkikita nang madalas dahil tapos na ang taping.
Kapag spotted sina Kylie at Jak kahit wala na silang show, doon na tayo magduda.
Napansin ng mga fans na tila lumusog ang aktor, pero ramdam na masaya siya at genuine ang mga tawa. Puwede na nga sigurong magkaroon ng panibagong love life si Jak Roberto after Barbie Forteza.
Pia, laglag na…
HEART VS. ANNE SA PAGIGING FASHION ICON
MAGTATAPOS o baka tapos na ang Paris Fashion Week, heto at mga supporters naman nina Heart Evangelista at Anne Curtis ang nagpupuksaan online.
Out muna sa picture si Pia Wurtzbach dahil kina Heart at Anne ang focus.
Actually, last week pa ang pailalim na pangse-shade ng kani-kanyang fans nina Anne at Heart sa dalawang aktres, at dahil blind item, hindi masyadong napansin.
Nag-escalate lang ang puksaan ng dalawang grupo nang mag-comment ang isang supporter ni Heart na actually, tama naman ang sinabi nito.
Anne is doing great daw representing the Philippines sa Paris Fashion Week.
Nagkaroon lang ng isyu nang banggitin nito na, “There’s only one Heart Evangelista — a true fashion icon who can sell out YSL sunglasses and Mugler perfume just by using them. No one can replicate her style.”
Marami pang binanggit ang supporter ni Heart na lamang nito sa ibang Filipina na rumarampa sa mga fashion week. Umalma ang mga supporters ni Anne, low-key bashing daw sa aktres ang ginawa ng supporter ni Heart.
Ayun, nagpuksaan na ang dalawang grupo ng mga fans at ipinaalala ng maka-Anne na hindi kompetisyon ang PFW at dapat walang comparison.
Mas maganda raw kung nagsusuportahan ang mga fans, at habang wala sa fashion week si Heart, kung hindi man magawa ng mga fans nito na suportahan sina Anne, Sarah Lahbati, Michelle Dee, at Pia Wurtzbach, huwag na lang magsimula ng isyu.
Anyway, inaabangan ng mga netizens ang pagbabalik sa bansa ng mga um-attend sa Paris Fashion Week para malaman kung magtutuluy-tuloy ang puksaan ng mga fans nina Anne at Heart.
At speaking of Anne Curtis, panalo ang post nitong para siyang si Audrey Hepburn. Mula sa long black dress na suot hanggang sa ayos ng buhok, Audrey Hepburn daw ang datingan nito.
Mukhang aprubado ito sa mga netizens at walang kumontra.
MULI na namang pinahanga ni Joseph Marco ang mga gaya niyang cat lover dahil
nagpakain siya ng stray cats na nakita niya sa isang gas station.
Caption niya: “Ended my workday with dinner at a gas station and the sweetest company — three precious fur babies who filled my heart.”
Sa reels video na ibinahagi ni Joseph, makikitang naghanap talaga siya ng stray cats at may dala na siyang cat food. Nang makakita siya ng tatlong pusa, binigyan niya ang mga ito ng tig-isang lata.
Hindi ito first time na ginawa ng isa sa mga bida ng I Love You Since 1892 (ILY1892) dahil tuwing may nakikitang stray cats, hindi lang niya pinapakain ang mga ito, ang iba ay inaampon pa.
Sa ngayon, may 10 pusa na siyang alaga.
“A silent battle stirs in me every time I see strays — should I rescue, even if I already have too many? Yet somehow, the heart just knows when it’s time to act,” paliwanag niya kung bakit nagre-rescue siya ng mga stray cats.
Kaya ang mga mababasang comments ay…
“Mahal ko ang mga taong mahal ang pusa.”
“Napakabusilak ng puso.”
“You are such a humble person with a good heart. I pray that God blesses you with several projects so that you would always have the resources to help the voiceless strays. Please continue being a role model for other celebrities and people.”
“Hoy! Mga memeng (pusa), alam n’yo ba na ang nagpi-feed sa inyo ay guwapito, dyodyowain ng bayan?”
Alam kaya nila? Hahahaha!




Comments