top of page
Search
  • BULGAR

Sa rami ng ‘marites’ sa ‘Pinas, tiyak na mapupuno ang mga selda

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | April 15, 2024



PBBM MINURA NA NGA NI EX-P-DUTERTE, NAGMISTULANG SPOKESMAN PA NI VP SARA -- Matapos murahin ng malutong na P.I. ni ex-P-Duterte si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) patungkol sa sinabi ng Presidente na hindi raw katanggap-tanggap kung totoo man na may naganap na “gentleman’s agreement” sa pagitan ng dating pangulo at ni Chinese Pres. Xi Jinping sa isyung BRP Sierra Madre na nakadaong sa Ayungin Shoal, ay nagpatawag ng presscon si PBBM na ang buong akala’y reresbak ito sa pagmumura sa kanya ng dating presidente, pero hindi pala, at sa halip ipinagtanggol nito si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio sa mga bumabatikos sa bise presidente kaugnay sa pananahimik sa isyung harassment ng China Coast Guard (CCG) sa Philippine Coast Guard (PCG), na ayon sa Pangulo ay hindi raw trabaho ng VP na maglabas ng statement laban sa China.


Ang laki talaga ng takot ng Philippine president sa pamilya Duterte, kasi imbes magalit si PBBM sa pagmumura sa kanya ni ex-P-Duterte, eh ang ginawa ay nagmistulang spokesman pa sa anak ng dating presidente na nagmura sa kanya, boom!


XXX


SINU-SINONG LOCAL OFFICIALS ANG SANGKOT SA ILLEGAL POGO SA BAMBAN, TARLAC? -- Pinaiimbestigahan na ni Sec. Benhur Abalos ng Dept. of the Interior Local Gov’t. (DILG) ang pagkakasangkot ng ilang local officials sa ilegal na operasyon ng Chinese Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Bamban, Tarlac.


Sinu-sinong local officials kaya sa Bamban ang tatamaan sa imbestigasyong ito ng DILG? Abangan!


XXX


HINDI LANG POGO ANG DAPAT PAIMBESTIGAHAN NI SEC. ABALOS, KUNDI PATI PAGBABALIK NG ONLINE SABONG SA SOCIAL MEDIA -- Hindi lang dapat ang mga local official na sangkot sa illegal POGO operations sa Bamban, Tarlac ang dapat paimbestigahan ni Sec. Abalos, kundi pati ang mga nasa likod ng pagbabalik ng online sabong sa social media.


Mismong si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na kasi ang nagpa-stop sa online sabong, tapos may mga matitigas pa rin na ulo ng mga gambling lords ang ipinagpatuloy ang ganitong raket sa socmed.


Kapag hindi ito pinaimbestigahan ni Sec. Abalos ay lalabas na “ningas-kugon” lang ang utos ni PBBM na pagpapa-stop sa online sabong sa ‘Pinas, period!


XXX


MAPUPUNO ANG MGA KULUNGAN SA RAMI NG ‘MARITES’ SA ‘PINAS -- Pinagtibay na ng Supreme Court (SC) ang pagpapakulong ng hanggang anim na taon sa isang napatunayang tsismosa.


Nakupo, eh sa rami ng “marites” sa ‘Pinas ay baka mapuno hindi lang ng Bilibid, kundi pati mga provincial, city at municipal jail, boom!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page