top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sa ‘Pinas, maliit ang suweldo, mataas ang presyo ng pagkain

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 24, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | December 24, 2023


SANA VINETO RIN NI P-BBM ANG OP CONFI FUND AT MARCOS ADMIN ‘UNPROGRAMMED  FUND’ --Dalawang probisyon, ang “Dept. of Justice (DOJ) revolving fund” at “Implementation of National Government’s Career Executive Service Development Program fund” na kapwa nakapaloob sa P5.7 trillion 2024 national budget ang vineto o ni-reject ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM).


Sana, hindi lang ang dalawang probisyon na ‘yan ang vineto ni P-BBM, sana pati ang P4.5 billion confidential fund ng Office of the President (OP) at ang P731 billion “unprogrammed fund” ng Marcos administration ay ni-reject din niya kasi hindi malalaman ng publiko kung saan gagastahin ng gobyerno ang sandamakmak na perang ito ng bayan, period!


◘◘◘


2 APPOINTEE NI P-BBM NAGPATAW NG SUSPENSION SA SMNI, KAYA’T ANG TANONG: MAY GO SIGNAL BA ITO NG PRESIDENTE? -- Dalawang araw matapos patawan ni Movie Television Review and Regulatory Board (MTRCB) Chairman Lala Sotto ng 15-day suspension ang dalawang programa ng SMNI network, ito ay ang “Gikan sa Masa, Para sa Masa” nina ex-P-Duterte at Pastor Apollo Quiboloy at “Laban Kasama ang Bayan” nina Lorraine Badoy at Eric Celiz, sinundan ito ni National Telecommunication Commission (NTC) Commissioner Ella Bianca Lopez ng 30-day suspension ang buong SMNI network dahil daw sa isyu ng fake news at red-tagging.


Sina Lala Sotto at Ella Bianca Lopez ay parehong appointee ni P-BBM, kaya’t ang tanong: May go signal ba ni P-BBM ang mga ginawang aksyon na ito ng MTRCB at NTC laban sa network na pag-aari ng sekta ni Quiboloy? Boom!


◘◘◘


HINDI NA TALAGA KAYANG TUSTUSAN ANG PAGKAIN NG PAMILYANG PINOY KASI MALIIT ANG SUWELDO, AT MAHAL ANG MGA PANINDANG PAGKAIN SA MERKADO -- Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na base sa isinagawa nilang research, nasa higit 25 milyong manggagawa ang hindi sapat ang kinikita para matustusan ang pagkain ng kanilang mga pamilya.


Tama ang PSA sa isyung ito, kasi maliit lang ang suweldo ng mga manggagawang Pinoy, tapos sa merkado sobrang mahal na ang presyo ng mga panindang pagkain kaya’t hirap talaga ngayon ang mga Pinoy worker na tustusan ang pangangailangan sa pagkain ng kanilang mga pamilya, period!


◘◘◘


MALIGAYANG PASKO PO -- Mamayang pagsapit ng alas-12:00 ng hatinggabi ay papasok na ang December 25, 2023. Ibig sabihin, Pasko na! 


Maligayang Pasko, sa lahat ng tagatangkilik ng pahayagang BULGAR at BULGAR ONLINE TV!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page