Search
  • BULGAR

Sa ‘Pinas, ‘di lang fake news ang uso, pati greetings fake na rin!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 9, 2021



GREETINGS NI P-DUTERTE SA INTERNATIONAL WOMEN’S MONTH, FAKE?—Para sa iba’t ibang women’s organization, ang pagbati ni P-Duterte sa kababaihan ngayong International Women’s month, na dapat daw irespeto ang karapatan ng mga babae ay peke.


Bukod sa maliit ang tingin ni P-Duterte sa kababaihan nang sabihin nitong hindi puwedeng maging lider ng bansa ang babae, madalas din magsalita ng kabastusan, mang-away, mangutya at magbanta sa kababaihan ang pangulo.

Kung ganu’n, hindi lang pala fake news ang uso ngayon sa Pilipinas, kundi pati “greetings” ay fake na rin, boom!


◘◘◘


PAGSAKAY NI PANELO SA JEEP AT PAMAMALENGKE, PANG-‘FOR SENATOR’?—Imbes na hangaan, pambabatikos ang inabot sa publiko ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa ginawa niyang pagpapa-picture sa pagsakay sa pampasaherong jeep at pagpunta sa palengke.


Masyado kasing obvious na pampulitikang ‘gimik’ lang ang ginawa niya kasi isa siya sa mga nais isama ni P-Duterte sa senatorial line-up ng administrasyon sa 2022 election, buwisit!


◘◘◘


KULANG NA LANG SABIHAN NI REMULLA SI P-DUTERTE NA ‘NGANGA’ SA PAGRESOLBA SA MGA PROBLEMA NG ‘PINAS—Sabi ni Cavite Gov. Jonvic Remulla, sa panahon ng krisis ay kailangang may leadership, action at direction ang national gov’t. sa pagtugon sa COVID-19 pandemic, sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at pagbagsak ng ekonomiya.


Kulang na lang ay direktang sabihan ni Gov. Remulla si P-Duterte na “nganga” lang ito sa mga problemang kinahaharap ng Pilipinas ngayon, period!


◘◘◘


SA GITNA NG PANDEMYA, SA PANGUNGUTYA KAY VP LENI, ATAKE SA ABS-CBN AT ‘KILL, KILL, KILL’ SA MGA KOMUNISTA ANG POKUS NI P-DIGONG—May punto si Gov. Remulla na pasaringan ang Duterte gov’t sa mahinang tugon sa laban kontra COVID-19 at pagbibigay-solusyon sa sobrang taas ng presyo ng mga bilihin at pagbagsak ng ekonomiya.


Imbes na pagtuunan ng pansin ni P-Duterte ang mga problemang ito na kinahaharap ng bansa, ang kadalasang lumalabas sa bunganga ng pangulo ay pangungutya kay Vice-Pres. Leni Robredo, atake sa ABS-CBN at “kill, kill, kill” sa mga komunista, boom!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.