top of page
BULGARY - LUCAS LORENZO, NA-BANNED DAW SA GOLF DAHIL SA SABLAY NA ASA-IG _juliabarretto.jp

Sa Pebrero 1 at 25... Mga empleyadong magtatrabaho, may holiday pay — DOLE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 30, 2022
  • 1 min read

ni Lolet Abania | January 30, 2022



Ipinaalala ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employers ngayong Linggo na ang mga empleyado na magre-report sa kanilang trabaho sa mga itinakdang special non-working days nitong Pebrero ay nararapat na makatanggap ng kanilang premier pay.


Ayon sa DOLE, ang mga manggagawa na magtatrabaho sa Pebrero 1 o Chinese New Year at Pebrero 25 o EDSA People Power Revolution Anniversary ay dapat na bayaran ng karagdagang 30% ng kanilang basic wage.


“The additional pay will reflect the computation of the basic wage multiplied by 130%, on top of the cost of living allowance,” pahayag ng DOLE.


Ang mga manggagawa na papasok bilang overtime ay babayaran ng karagdagang 30% ng kanilang hourly rate sa naturang mga mga araw, habang ang mga magre-report ng holidays kahit na kanilang rest day ay dapat na bayaran ng karagdagang 50% sa unang walong oras ng kanilang trabaho.


Ang mga magtatrabaho bilang overtime ng kanilang dayoff ay dapat ding bayaran ng karagdagang 30% ng kanilang hourly rate.


“For employees who did not work, the ‘no work, no pay’ principle shall apply unless there is a favorable company policy, or collective bargaining agreement granting payment on a special day,” paliwanag ng DOLE.


Naunang inanunsiyo ng Malacañang na ang Pebrero 1 at Pebrero 25 ay special non-working days, base sa deklarasyon na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Oktubre 29, 2021.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page