Sa pansamantalang kalayaan… P1M bail para kay Vhong Navarro – Taguig court
- BULGAR
- Dec 6, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | December 6, 2022

Pinagbigyan ng Taguig Regional Trial Court Branch 69 ang petisyon ng aktor at television host na si Vhong Navarro na magpiyansa kaugnay sa kasong rape na inihain ng model na si Deniece Cornejo.
Batay sa order na may petsang December 5, 2022, pinayagan ni Presiding Judge Loralie Cruz Dataman si Navarro na mag-post ng P1 million bail para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
“Wherefore, premises considered, the petition for bail is hereby GRANTED. The bail of the accused for his provisional liberty is hereby fixed at One Million Pesos (Php 1,000,000.00),” nakasaad sa order.
Noong Nobyembre 21, si Navarro ay inilipat sa Taguig City Jail mula sa National Bureau of Investigation (NBI) facility, alinsunod ito sa November 7 order ng korte.
Matatandaan na noong Setyembre, ang Taguig prosecutors ay nagsampa ng kaso laban kay Navarro hinggil sa umano’y rape ni Cornejo sa pamamagitan ng “force, threat, and intimidation” noong Enero 2014.
Mariin namang itinanggi ni Navarro ang alegasyon laban sa kanya.





Comments