top of page
Search
  • BULGAR

Sa panenermon sa mga doktor… Angel kay Spox Harry: “Ikaw na ba ang DOH o employer ng health workers?

ni Jasmin Joy Evangelista | September 12, 2021



Kinuwestiyon ni Angel Locsin si Presidential Spokesperson Harry Roque matapos mapanood ang kumalat nitong video na sinisigawan ang isang grupo ng mga dotor sa Zoom meeting kasama ang IATF.


Matatandaang sa naturang pulong umano ay hinarang ng Philippine College of Physicians ang plano ng IATF na paluwagin ang quarantine restrictions sa Metro Manila dahil mataas pa rin ang COVID cases, dahilan para ikagalit ni Roque.


“Naiintindihan ko ‘yung concern para makapaghanap-buhay na ang mga tao. Pero bakit [niya] sinermonan ‘yung mga medical workers natin pagkatapos ipatawag para humingi ng opinyon?” tanong ng aktres. “Di ba spokesperson siya ng presidente? Siya na rin ba [Department of Health] (DOH) o employer ng medical workers?”, ani Locsin.


Nagsalita rin si Angel tungkol sa isyu ng benepisyo ng mga health workers sa bansa na kamakailan lamang ay naging malaking usapin dahil sa pagka-delay nito.


"Ang employee may karapatan na benefits. Ibigay kaya muna ‘yung benefits na hindi pa nababayaran,” dagdag niya.


Samantala, humingi na ng paumanhin si Presidential Spokesperson Harry Roque hinggil sa naging reaksyon niya sa grupo ng mga doktor sa ginanap na meeting. Siya raw ay naging emosyonal lamang sa mga pangyayari.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page