top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Caretaker sa beach resort, natagpuan patay sa bunkhouse sa Danao City

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
1 min read

by BRT @News | October 9, 2026



Caretaker sa beach resort, natagpuan patay sa bunkhouse sa Danao City

Photo: Circulated



Patay na nang matagpuan ang caretaker ng isang beach resort sa loob ng bunkhouse sa Costañera, Barangay Looc, Danao City, Cebu, alas-6 ng umaga nitong Huwebes, Oktubre 8.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Marcelo Hermoso Azur, 40, residente ng Barangay Masaba at nagtatrabaho bilang caretaker at bantay ng resort.


Ayon sa paunang imbestigasyon, may nakitang duguang maso at matalim na bagay malapit sa katawan ng biktima. Gayunman, hindi pa matiyak kung ginamit ang mga ito sa pagpatay dahil imbakan din ng mga gamit ng resort ang bunkhouse.


Sinabi ng asawa ni Azur na wala silang alam na kaaway nito, ngunit nawawala ang bag at cellphone ng biktima.


Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at hinihintay ang resulta ng autopsy upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay. Sinusuri rin ang CCTV footage sa paligid ng lugar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page