ni Julie Bonifacio @Winner | September 23, 2025

Photo: Angel Locsin / IG
Aktibong muli sa social media ang aktres na si Angel Locsin.
Pagkatapos sa kanyang Instagram (IG), nakapag-post na rin si Angel sa kanyang X (dating Twitter) account kahapon.
Nawala pala ang dating account sa X ni Angel kaya hindi siya nakakapag-post doon.
Post ni Angel sa X, “Hello everyone, long time no chat. I just wanna say I have recovered my X account (totoo na ito, pramis). Thank you sa mga tumulong and @X for helping. I miss you all and ingat lagi.”
May ilang netizens ang nagduda kung tunay na si Angel na talaga ang nagpo-post sa X.
“‘Pag na-confirm ito ni Neil Arce, saka ako maniniwala,” sabi ng isang netizen.
Ini-repost ni Angel ang statement ng netizen sa kanyang X account, “Mahal ko, paki-confirm @neil_arce.”
Pagkatapos nito, nag-post na si Angel tungkol sa ipinaglalaban niya at ng iba pang celebrities tungkol sa malalang korupsiyon sa bansa.
Post pa ni Angel sa X, “Ang sa amin, galing sa hirap — ang sa inyo, galing sa mahihirap.”
Ang susunod na aabangan ng madlang pipol ay ang paglantad muli ni Angel Locsin sa publiko.
Pambato dapat ng ‘Pinas, umatras…
AHTISA, UMAMING TAGASALO LANG SA LABAN SA MISS UNIVERSE 2025 SA THAILAND
NAGHAHANDA na ang Miss Universe-Philippines na si Maria Ahtisa Manalo para sa nalalapit na Miss Universe 2025 pageant na gaganapin sa Thailand sa
Nobyembre 21.
Noong Pebrero 13, 2025, muling na-appoint si Ahtisa bilang Miss Universe Philippines title holder para sa Quezon. Ito na ang ikalawang pagkakataon na irerepresenta niya ang bansa sa isang kilalang beauty pageant worldwide.

Sa isang interbyu, inamin ni Ahtisa na ang kanyang muling pagkakapili ay isang “last-minute decision” dahil sa naging withdrawal ng kanyang lokal na successor.
Tulad ng kanyang naunang pagtatangka, si Ahtisa ay itinuturing na frontrunner para sa korona. Ang kanyang pagganap sa mga unang yugto ay nakitang mas pinabuti kumpara sa kanyang unang stint.
Samantala, right choice siya bilang endorser ng Pina Skin Care products, isang local Filipino beauty brand, kung saan co-endorsers niya ang kapwa beauty queen na si Yllana Marie Aduana at ang dalawang sikat na aktres na sina Bianca Umali at Julia Barretto.

Ipino-promote ni Ahtisa ang Pina Beauty Glow Lotion at iba pang produkto, at bahagi siya ng campaign na “More Than a Crown”.
Gamit na gamit daw talaga ni Ahtisa ang mga produkto ng Pina Beauty gaya ng Glow Lotion, at malamang ay bibitbitin niya ang brand kahit anuman ang mangyari.
MAGPAPANG-ABOT sa isang matinding salpukan ang mga karakter nina Andrea Brillantes at Maris Racal sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) na pinagbibidahan ni Coco Martin.
Pasabog ang maaksiyong eksena ng dalawang aktres na mapapanood sa mga susunod na episodes kung saan mauuwi ito sa tutukan ng kutsilyo.
Sa takbo ng kuwento ngayon, mapipilitan si Fatima (Andrea) na labanan ang pulis na si Ponggay (Maris) matapos siyang madamay sa operasyon sa pag-aresto kay Tanggol (Coco).
Bago pa nito, una nang natakasan ni Tanggol ang mga awtoridad at dumiretso siya sa lugar ni Fatima upang pansamantalang magtago. Dehado ngayon si Tanggol dahil inaresto na ang kanyang pamilya at itotodo ng mga Guerrero ang paninira nila laban sa mga Montenegro.
Sa kabila ng pagbagsak ng pamilya Montenegro, sisimulan na ni Tanggol ang mas malaki niyang misyon upang iligtas ang papa niyang si Ramon (Christopher De Leon), na kasalukuyang nag-aagaw-buhay matapos barilin ni Rigor (John Estrada).
Samantala, namaalam na sa FPJ’s BQ ang batikang aktres na si Chanda Romero pagkatapos siyang pagbabarilin ni Miguelito (Jake Cuenca).












