top of page
Search
  • BULGAR

Sa panahon ngayon, bawal ang fake news… Oks ang pinalawak na TSEK.PH

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | January 26, 2022



Bilang pagtugon sa paglipana ng disinformation at fake news, inilunsad kamakailan lamang ang pinalawak na Tsek.ph.


Ang Tsek.ph ay fact-checking initiative ng University of the Philippines na unang inilabas noong 2019.


Mula tatlong academic institutions at 11 media partners noong 2019, mayroon nang 21 academic, medias at civil society institutions na kalahok sa inisyatiba.


Layunin ng Tsek.ph mabigyan ang mga kababayan natin ng tunay at makatotohanang impormasyon tungkol sa halalan. Sisikapin nitong pabulaanan ang mga mali at mapanlinlang na naratibo mula sa mga kandidato’t iba pang public figures at maging sa news at social media.


Kabilang sa mga academic partners ng Tsek.ph ang: Asian Center for Journalism ng Ateneo de Manila University, Colegio de San Juan de Letrán, Trinity University of Asia Communication Department, University of the Philippines – Los Baños, UP Department of Journalism’s Fact Check Patrol at FactRakers, at University of Santo Tomas.


Ang mga media partners naman ay: ABS-CBN, DZUP, FYT, Interaksyon, MindaNews, Philstar Global, Philippine Press Institute, Press One, Probe and VERA Files. The civil society partner are Akademiya at Bayan KontraDisimpormasyon at Dayaan (ABKD) at Fact Check Philippines.


☻☻☻


Umaasa tayong magtatagumpay ang Tsek.ph sa layunin nito.


Mahalagang kontrahin natin ang fake news nang masiguro nating hindi sila nagpapasya base sa maling impormasyon.


Ang fake news ay gapos na pumipigil sa ating pag-unlad at nilalagay sa panganib ang ating demokrasiya.


Labanan natin ang paglipana nito. Tulad nga ng sabi, “The truth will set us free”.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page