Sa panahon ng krisis at pandemic, hindi lahat ay naghihirap!

Updated: Jan 8, 2021
ni Ka Ambo - @Bistado | January 3, 2021
Nagsimula na ang 2021.
Yipeee, welcome sa mga COVID survivors.
Sa ngayon!
◘◘◘
Ibinungad sa taon ang bagong strain ng COVID.
Normal lang ang mutation sa lahat ng virus!
◘◘◘
Lumang ulat na ang mutation, matagal nang binabanggit ‘yan.
Tinatakot lang ng media ang mga tao!
◘◘◘
May problema ang proseso ng pag-uulat ng media sa buong daigdig.
Kapos ng teknikal na kaalaman at wisdom ang mga gumagawa ng balita.
Karaniwan ay mga “news reader” lang na wala naman talagang alam!
◘◘◘
Mahalaga ang ginagampanan ng mga news writer dahil sila ang higit na may malalim na pang-unawa sa konteksto ng kanilang isinusulat.
Kahit balikan ninyo ang mga impormasyon sa COVID, matagal nang ipinauunawa ng mga eksperto na normal lang ang mutation.
Meaning, ang mutation o pagkakaroon ng iba’t ibang strain ng COVID—ay hindi “bagong balita”!
◘◘◘
Dapat nakatutok ang media kung ano’ng klase ng strain—mas mapanganib ba o hindi?
Karaniwan ay hindi ito mapanganib.
Meaning, maaaring mabilis na makahawa, pero kakaunti o mababa lang ang mortality rate o bilang ng mga namamatay.
Siyempre, ang mga may pre-existing illness—ay delikado—at ‘yan ay applicable sa lahat ng virus.
Kapag mahina ang immune system—ay talagang maselan na mahawa sa alinmang sakit!
◘◘◘
Matagal nang ibinabawal sa lahat ng ospital—may COVID man o wala, ang lahat ng may edad na, mga bata at mga may mahihinang pangangatawan.
Balita pa ba ‘yan, matagal nang protocol yan sa mga ospital!
◘◘◘
Sa totoo lang, ang COVID kapag humina ang strain—ay halos hindi na nalalayo sa ordinaryong trangkaso.
At hindi rin totoo na “walang gamot” sa COVID.
Ebidensiya?
Ang ebidensiya ay nasa inilalabas ding datos: Number of recoveries.
Kung walang gamot laban sa COVID—paano nagkaroon ng “terminong recovery”?
Hindi ba’t kabaliwan at kamangmangan ng mga nagpapanggap na mga eksperto.
Logic ‘yan—at hindi kailangan ang debate o mahabang paliwanag!
◘◘◘
Sa ngayon, nagkakamal ng malaking halaga ang mga abusadong ospital.
Matagal na rin ang kapasidad ng mga ospital—ay talagang sumasagad kapag panahon ng flu o trangkaso—may COVID man o wala!
◘◘◘
Marami tayong karanasan sa PGH, at iba pang ospital ng gobyerno—na palaging puno o kapos ng bed capacity—may COVID man o wala.
Kahit ang mga pribadong ospital ay madalas na “kapos sa bed capacity” na normal na panahon.
Balikan ninyo ang inyong memorya: Madalas sabihin ng mga ospital—na wala silang “bakante” at talagang mag-aantay ang mga nagpapaospital!
◘◘◘
Malinaw ngayon na ang kakapusan ng “bed capacity” ay normal na sitwasyon sa lahat ng ospital—may COVID man o wala.
Ibig sabihin, walang pagkakaiba ang sitwasyon may COVID man o wala!
◘◘◘
Tinatakot ng mga ospital ang tao—upang patuloy silang “maningil” nang extra o higit na malaking “bill” kaysa sa ordinaryong sitwasyon.
Napakataas ng sinisingil ngayon ng mga ospital sa lahat ng nagkakasakit.
Kapag may COVID—nagi-ibayo lalo ang singil ng mga ospital.
Maraming ospital ang abusado at dapat imbestigahan!
◘◘◘
Ang problema, kahit todo-todo ang singil ng mga ospital ay hindi naman nila dinaragdagan ang suweldo ng medical staff.
Nagrereklamo ang mga medical personnel dahil alam nilang sobra-sobra ang singil ng pribadong ospital—pero hindi ito napupunta sa mga “hospital workers”, bagkus ay nagkakamal ng salapi ang mga may-ari ng pagamutan!
◘◘◘
Sa panahon ng krisis at pandemic, hindi lahat ay naghihirap.
Maraming buwitre ang lalo pang yumayaman!





Comments