Sa Palasyo lang malakas… Quiboloy, handang ilaglag ng DOJ
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 08, 2022
KAHIT KASALUKUYANG NANANALASA ANG COVID-19, TULOY ANG PANGANGAMPANYA–Kahit kasalukuyan pang nananalasa ang COVID-19 sa bansa, wala nang atrasan ang pangangampanya na magsisimula ngayong araw, Pebrero 8.
Kahit libu-libo pa rin ang nadadale ng COVD-19 sa bansa, maoobliga na ang mga kandidatong mag-iikot at humarap sa mga botante para ikampanya ang kanilang sarili.
Kaya’t ang tanong: sino kaya sa mga kandidato ang unang mababalitang madadale ng COVID-19?
◘◘◘
CAMPAIGN PERIOD, SASABAYAN NG FAKE NEWS–Dahil start na ang campaign period, asahang sasabayan ito ng mga bloggers, TikTokers at YouTubers sa social media para siraan sa publiko ang mga kandidato.
Panawagan sa netizens para hindi mabudol sa pagpili ng mga kandidato, sa mga debate at interview sa mainstream media ituon ang atensiyon at huwag makinig sa sinasabi ng mga fake news bloggers, TikTokers at YouTubers sa social media, period!
◘◘◘
QUIBOLOY, SA PALASYO LANG MALAKAS, HINDI SA DOJ–Inanunsiyo ni Justice Sec. Menardo Guevarra, na handa silang makipagtulungan sa extradition sa Amerika ni Pastor Apollo Quiboloy kung hihilingin ito ng United States (US).
Kung ganun, sa Palasyo lang pala malakas si Quiboloy at hindi sa DOJ kasi handa si Justice Sec. Guevarra na dakpin at dalhin siya sa Amerika para harapin ang mga kaso nito, boom!
◘◘◘
HIRAP NA NGA ANG MAMAMAYAN KUNG PAANO IBA-BUDGET ANG LUMIIT NILANG KITA, TAPOS MAGTATAAS PA PRESYO NG MGA BILIHIN–Magtataas na naman ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.
Masamang balita ‘yan kasi ang kaakibat ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ay pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Mantakin n’yo, hirap na nga ang mga ordinary citizens kung paano iba-budget ang lumiit nilang kita dulot ng pandemya, tapos tataas na naman ang presyo ng mga bilihin dahil sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, saklap!





Comments