Sa pagsira umano ng peso bills… Social media influencer at 4 Tiktokers, nahaharap sa reklamo —BSP
ni Lolet Abania | August 27, 2022

Isang social media influencer at apat na Tiktokers ang nahaharap sa reklamo sa Quezon City Prosecutors’ Office matapos na mag-post ng mga videos online ng pagsira ng pera gaya ng pagpunit, punctured o pagbutas, stapled, at ginamit na pamunas ng sapatos.
Batay sa report ng GMA News, kabilang sa mga inireklamo ay isang social media influencer na nagpunit ng isang 20-peso bill sa video na nai-post niya online.
Naghain din ng complaints laban sa isang magician na nagbutas umano ng isang 1000-peso bill gamit ang pen, isang lalaki na gumamit ng isang 50-peso bill bilang funnel o embudo para magsalin ng langis sa isang motorcycle engine, isang indibidwal na nag-staple ng isang 100-peso bill sa plastic basketball rim, at isa pa na ginawang pamunas ng kanyang sapatos ang dalawang 500-peso bills saka nito itinapon ang pera.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), “Willful defacement, mutilation, tearing, burning or destruction of Philippine banknotes and coins are punishable by a fine of not more than PHP20,000.00 and/or imprisonment of not more than five years.”





Comments