Sa pagkamatay nina Rene at Divine — CIDG... Coach Baldwin, 10 pa, kasuhan sa hazing
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | June 27, 2026

Photo: The Guidin / FIle
Natanggap na ng Department of Justice (DOJ) ang referral o rekomendasyon ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pagsasampa ng mga kasong kriminal kaugnay sa pagkamatay nina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Ito ang kinumpirma ng DOJ kasabay ng paglalahad sa mga kaso sa ilalim ng Anti-Hazing Act at iba pang posibleng paglabag sa batas kaugnay ng Ateneo drowning incident sa Aurora.
Kabilang sa mga personalidad na posibleng kasuhan ay si resigned Ateneo Men's Basketball Team Head Coach Tab Baldwin at 10 iba pa.
Ayon kay DOJ spox Atty. Polo Martinez, kabilang sa maaaring ikonsiderang kaso ang homicide at reckless imprudence resulting in homicide, depende sa magiging pagsusuri sa mga ebidensyang isinumite.
Sisimulan muna ng DOJ ang initial evaluation upang matukoy kung sapat at kumpleto ang mga dokumento para sa karagdagang proseso.
Kung kulang ang ebidensya, maaari itong ibalik para sa karagdagang case build-up kasama ang CIDG.
Kung sapat naman, isasailalim ito sa preliminary investigation.
Giit ni Martinez na isasagawa nila ang pagsusuri nang mabilis ngunit patas, batay sa ebidensya at umiiral na batas.





Comments