top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sa pagharap sa mga miyembro ng LGBT… “LGBT din ako!” — Sara Duterte

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 11, 2022
1 min read

ni Jasmin Joy Evangelista | March 11, 2022



Sa kanyang pahayag nitong Huwebes, sinabi ni vice presidential candidate Inday Sara Duterte-Carpio na siya ay parte rin ng lesbian, gay, bisexual, transsexual (LGBT) community at nagpapagupit umano siya kapag gusto niyang maging lalaki.


Sa kanyang dayalogo sa LGBT Pilipinas sa Quezon City, inalala ni Duterte-Carpio ang isang supporter sa panahon ng kanyang kampanya.


“Sabi niya, ‘Hindi, mahal ka namin dahil mahal mo ang LGBT.’ Sabi ko naman sa kanya, paanong hindi ko ba mamahalin ang LGBT e LGBT din ako?’” ani Duterte-Carpio.


“Sa gender stereotyping, ang sinasabi nila ang lalaki maikli ang buhok, ang babae mahaba ang buhok. Kaya po minsan nakikita ninyo maikli ang buhok ko; gusto ko po maging lalaki nyan. Pag ayaw ko na po maging lalaki, pinapahaba ko po ang aking buhok,” dagdag niya.


Hindi umano siya naa-attract sa mga kapwa-babae.


“So in-explain nya sa akin. Sabi nya ang sexual orientation mo ay babae, ang gender expression mo ay lalaki,” pahayag pa ni Duterte-Carpio.


“Kaya wag po kayong magtaka, paminsan-minsan mawawala yung buhok ko dahil, pag-short hair sinasabi nila lalaki ako. Pag gusto naman magmukhang babae, pinapahaba ko ang buhok ko,” dagdag pa niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page