Sa paggunita ng Undas P-Du30: Ipanalangin natin ang isa’t isa
- BULGAR

- Nov 1, 2021
- 1 min read
ni Lolet Abania | November 1, 2021

Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino, kasabay ng paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day, na ipanalangin ang isa’t isa sa panahon ng COVID-19 crisis.
“As we follow the example of the saints and pray for our loved ones who have passed on, let us also pray for each other, especially during this pandemic,” ani Pangulong Duterte sa isang mensahe ngayong Lunes.
“We pray for those who have died because of COVID-19 and we also pray for those who have sacrificed life and limb to save more lives and keep us safe,” sabi ng Pangulo.
Ang tinatawag na centuries-old Catholic tradition ng pag-alaala sa ating mga yumaong pamilya aniya, “offers us a time to reflect and be grateful for the gift of life and the promise of eternity.”
“With the grace of the Almighty, I have full trust that we will brave these trying times and emerge as a stronger nation,” saad pa ng Punong Ehekutibo.
Milyun-milyong Katolikong Pilipino ang nakaugalian na ang pagdarasal at pag-aalay ng mga bulaklak para sa mga namayapa nang mahal sa buhay sa mga sementeryo tuwing Araw ng mga Santo at Araw ng mga Patay.
Gayunman, para maiwasan ang panganib ng pagkalat ng COVID-19, ipinasya ng gobyerno na isara ang lahat ng public at private cemeteries, memorial parks, at columbaria mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2.
Samantala, idineklara ni P-Duterte ang Nobyembre 1 na All Saints’ Day bilang special non-working holiday at ang Nobyembre 2 na All Souls’ Day bilang special working day.








Comments