Sa paggunita ng Bonifacio Day… Maging vigilant laban sa social ills — P-BBM
ni Lolet Abania | November 30, 2022

Sa paggunita ng ika-159 anibersaryo ng kaarawan ni Gat Andres Bonifacio ngayong Miyerkules, Nobyembre 30, nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga Pilipino na ikarangal ang nasabing Filipino hero sa kanyang pagiging “dutiful and law-abiding” citizens.
Sa kanyang mensahe, hinimok ni Pangulong Marcos ang mga Pinoy na maging mapagbantay upang maprotektahan ang bansa mula sa tinatawag na social ills.
“The shackles that once held our forebears may no longer constrain us, but we must remain vigilant in protecting our country from social ills and other elements that threaten our liberties,” pahayag ni P-BBM.
“I call on my fellow Filipinos to honor Bonifacio’s life of extraordinary selflessness by becoming dutiful and law-abiding citizens who will contribute towards a brighter and freer future for all Filipinos,” saad ng Chief Executive.
Kinilala rin ni Pangulong Marcos si Bonifacio sa matatapang nitong mga ideya na aniya, “our heroic ancestors were able to muster the will and the courage to fight their oppressors thereby paving the way to our motherland’s eventual emancipation.”
“Indeed, it was his deeds that provided the impetus for our collective liberation, which we are challenged to preserve and protect amidst these trying times,” sabi ng Pangulo.
“His spirit lives on in the stories we tell and use to build on his legacy, breathing new life into his words with our sense of duty and patriotism,” saad pa niya.
Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang wreath-laying ceremonies sa Andres Bonifacio National Monument sa Caloocan City ngayong Miyerkules.
Dumalo rin sa okasyon sina National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Chairman Rene R. Escalate at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro.
Sa kanyang speech, hinimok din ni Pangulong Marcos ang publiko na ikarangal, hindi lamang si Bonifacio, kundi iba pang Filipino heroes, gayundin ang mga nagbigay at nagsakripisyo ng kanilang buhay para sa bayan.
“Bilang mga tagapagmana ng kalayaang kanilang ipinaglaban, tungkulin natin bilang mga Pilipino na panatilihing buhay ang diwa ng kanilang mga layunin at siguruhing mapayapa, malaya, at masagana ang ating sambayanan,” saad ni P-BBM.
“Kaya naman sikapin natin na maging pinaka-mahusay na uri ng ating mga sarili; na maging Pilipino na ang katapatan at pagmamahal sa bayan ay kapares ng ating mga bayaning tulad ni Gat Andres,” dagdag ng Pangulo.
Naroon din sa okasyon sina Senators Robin Padilla at Sherwin Gatchalian na ipinahayag ang kahalagahan nito sa lahat ng mga Pilipino.





Comments