top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sa pagbabalik ng F2F classes… 581 enforcers, ide-deploy sa mga paaralan – MMDA

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 12, 2022
2 min read

ni Lolet Abania | August 12, 2022



Nasa 581 personnel ang ide-deploy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga kalsada na patungo at malapit sa mga pampublikong paaralan kaugnay sa pagbabalik ng face-to-face classes.


Sa isang interview ngayong Biyernes, sinabi ni MMDA Task Force Special Operations chief Bong Nebrija, nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa mga lokal na gobyerno bilang paghahanda para sa resumption ng mga klase.


“We will be manning schools, 581 po ang itatalaga namin doon mismo sa eskuwelahan, 146 public schools in Metro Manila, nakatalaga po ‘yan doon,” pahayag ni Nebrija.


“Aside from that, we will be manning the intersections, pedestrian lanes…,” dagdag ng opisyal.


Ayon kay Nebrija, nagsasagawa na rin ang MMDA ng misting, fogging, at clearing operations sa paligid ng mga paaralan bilang bahagi ng preparasyon sa pagpapatuloy ng in-person classes.


Una nang itinakda ng Department of Education (DepEd) ang pagbubukas ng mga klase sa Agosto 22.


Samantala, nitong Huwebes, sinabi ng MMDA na nakatakda nilang ipatupad ang expanded number coding scheme sa Metro Manila simula Agosto 15, mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi bilang paghahanda na rin sa face-to-face classes.


Sa ilalim ng scheme, ang mga sasakyan na may license plates ending na 1 at 2 ay ipinagbabawal tuwing Lunes, 3 at 4 tuwing Martes, 5 at 6 ng Miyerkules, 7 at 8 tuwing Huwebes, 9 at 0 kapag Biyernes base sa nakaiskedyul na oras.


Sinabi naman ni Nebrija na hindi huhulihin ng MMDA ang mga violators ng expanded number coding scheme sa unang tatlong araw na pagpapatupad nila nito.


Aniya, ipapaalam sa una ng ahensiya ang tungkol sa expanded number coding.


“Hindi naman huli agad. We will take the first two days maybe to inform the public.


Siyempre hindi sanay na may number coding sa umaga. We will introduce this slowly with public information…” saad ni Nebrija.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page