Sa pag-arangkada ng impeachment trial ni VP Sara... 6,000 pulis, bantay sa Senado
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
by Mervin Reyes @News | July 4, 2026

Photo:BRP
Magpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ng 6,000 pulis sa paligid ng Senado sa Pasay City upang matiyak ang mapayapa at ligtas na pagsisimula ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Hulyo 6.
Ayon kay PNP spokesperson Col. Allen Rae Co, nakahanda na ang komprehensibong security plan ng pulisya.
Nauna nang sinabi ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na inatasan na ang intelligence at operational units ng pulisya na mahigpit na bantayan ang sitwasyon at magsagawa ng regular na threat assessment bago ang paglilitis.
Gaganapin ang mga pagdinig tuwing Lunes hanggang Miyerkules, alas-2 ng hapon, bago ito ilipat sa Martes hanggang Huwebes matapos ang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa Hulyo 27.





Comments