Sa pag-absent sa Senado... JV kay Bato: ‘Wag kang tumanggap ng suweldo
- BULGAR

- 3 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | April 22, 2026

Photo: File / Sens. JV Ejercito at Ronald Bato Dela Rosa - FB
Umapela si Senador JV Ejercito, chairman ng Ethics committee kay Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na isuko ang kanyang sahod at allowances sa gitna ng kanyang patuloy na pagliban sa Senado.
“Umaapela tayo kay Sen. Bato Dela Rosa na kusang-loob na hindi muna tumanggap ng suweldo at allowances niya sa Senado,” saad ni Ejercito sa isang pahayag.
“Gaya ng mga ordinaryong Pilipinong ‘no work no pay,’ lalo’t higit ganoon din dapat ang mga lingkod-bayan. Public service is a public trust, we are all accountable to the people we serve,” diin ni Ejercito.
Matatandaang hindi na nagpakita si Dela Rosa sa publiko at hindi na rin sumipot sa sesyon ng Senado mula noong Nobyembre 2025, sa gitna ng mga pahayag na naglabas ang International Criminal Court (ICC) ng warrant of arrest laban sa kanya dahil sa war on drugs.
Muli ring iginiit ni Ejercito na walang umiiral na patakarang “no work, no pay” ang Senado, kaya’t kailangang amyendahan muna ang mga patakaran para matugunan ang pag-absent ng mga senador.




Comments