Sa Oct. 23 na… SHOWBIZ FRIENDS, OUT SA KASALANG CARLA-TOM
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 16, 2021

Next month (Oct. 23, 2021 to be exact) ay ikakasal na ang showbiz couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.
Isang church wedding ang kanilang inihanda upang daluhan ng kanilang immediate family lamang. At dahil sa strict protocol ng DOH, hindi na nila magagawang mag-imbita pa ng kanilang mga showbiz friends.
Anyway, kahit parehong busy sina Tom at Carla sa locked-in taping ng kani-kanilang serye, nagawa naman nilang ayusin ang mga detalye para sa kanilang kasal.
Si Tom ay matagal na nag-locked-in sa set ng The World Between Us bago ito nag-season break. Si Carla naman ay nag-locked-in din sa seryeng To Have and To Hold na malapit nang umere. Kasama niya rito sina Max Collins at Rocco Nacino.
Recently, may mga photos sina Carla at Tom na lumabas sa social media kung saan nakasuot sila ng pang-kasal. Inakala ng marami na ito na ang kanilang prenup shoot.
Sa mga seryeng kanilang ginawa sa GMA-7 ay ilang beses nang ikinasal sina Carla at Tom. At kitang-kita na bagay talaga silang bride and groom.
Ang tunay na kasalan ng TomCar ay magaganap na sa susunod na buwan. Magiging official na silang Mr. and Mrs. Mott!





Comments