top of page
SPECIAL - KIM, TAMEME SA KASAL DAW NILA NI PAULO SA US-IG _chinitaprincess.jpg

Sa mga umaasang masosolb agad ang baha... Nananaginip kayo — Dizon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | August 10, 2026



Sec. Vince Dizon - DPWH

Photo: SS / DPWH



Hindi umano malulutas sa isang magdamag o sa isang taon ang matagal nang problema ng bansa sa pagbaha.


"Walang overnight solution dito. Kung ini-expect ng mga kababayan natin na masosolusyonan 'to nang isang taon, nananaginip tayong lahat, hindi mangyayari 'yun," paliwanag ni Public Works Secretary Vince Dizon.


Gayunman, sinabi niya na nagsisimula nang magbunga ang tuloy-tuloy na mga hakbang ng pamahalaan upang matugunan ang problema sa pagbaha.


Ayon kay Dizon, may mga improvement na sa flood monitoring at mitigation efforts sa Metro Manila, kung saan mas mabilis nang humuhupa ang baha sa ilang lugar kumpara sa mga nakaraang taon.


Kabilang sa mga tinukoy ng kalihim ang G. Araneta Avenue at ilang bahagi ng Taft Avenue na nakitaan umano ng improvement matapos ayusin ang mga drainage system. 

Aniya, kailangan ang pangmatagalang intervention upang tuluyang matugunan ang problema sa pagbaha sa bansa. 


“Marami pa ring areas na binabaha. Hindi naman mawawala nang overnight ito. Nakikita natin na ’pag meron tayong ginagawang intervention na maayos, kamukha sa G. Araneta and sa parts of Taft Avenue na inayos natin ’yong drainage, talagang nakikita natin ’yung improvement,” paliwanag ni Dizon.


“Pero marami pa tayong gagawin… ’Yun ang maganda, mas mabilis na bumababa [humuhupa ang baha],” dugtong niya.


Gayunman, aminado ang kalihim na marami pang hamon ang kailangang tugunan, lalo na sa mga lugar na palagiang binabaha gaya ng ilang bahagi ng Pampanga. 


Malaking bahagi rin aniya ng improvement ang pagtutulungan ng DPWH at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), partikular sa paglilinis at dredging ng mga daluyan ng tubig at pagpapahusay ng mga drainage system.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page