Sa mga gustong mamatay na siya… KRIS: LALABAN AKO!
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | May 17, 2022

“Hi everyone, ‘yung tsismis na na-confine ako or nasa ICU (intensive care unit) na nag-aagaw-buhay, masyado kayong advance. Time check, it’s 10:07 PM and today is Friday (May 13).
“I’m leaving tomorrow (Saturday, May 14) para klaro. Gusto n’yong patayin na ako, well I’m not yet dead, so, I’m going to fight to stay alive,” ang pahayag ni Kris habang papasok siya sa Post Anesthesia Care Unit (PACU) kung saan kinunan din siya ng X-ray.
Karugtong din ng nasabing video ay nasa bahay na siya na ibig sabihin ay out-patient siya na may kasamang doktor at dahan-dahan siyang tinuturukan ng gamot na idinaan sa dextrose.
Naikuwento pa niyang dapat ay paalis na siya nitong Sabado, May 14, pero dahil sa isinagawang medical test sa kanya nu’ng Biyernes, Mayo 13, na hindi maganda ang resulta, kaya for the nth time ay hindi ulit siya natuloy patungong Amerika.
Aniya, “The vasculitis is quite not okay.”
May karagdagan pang gamot na gagawin kay Kris para umayos ang daanan ng blood niya nang makaalis na sila sa May 19, Huwebes.
“We’re leaving na on the 19th, since it’s Monday now, so in three days, it’s an effort to save me, my life, my organs. Siyempre, if your veins are affected or the blood vessels,” sambit pa ng Queen of Social Media.
Marami pa sanang gustong sabihin si Kris pero kailangan na niyang magpahinga dahil hirap na hirap siyang magsalita at itutuloy na lang daw niya ulit ang sasabihin niya.
Ito siguro ‘yung nakita ng mga netizens nitong weekend na nasa hospital si Kris kaya marami ang nagtanong sa amin kung kumusta na ang mama nina Josh at Bimby dahil may mga kumakalat na balitang ‘wala’ na siya.
Tulad nga ng sinabi niya, hindi pa siya dead.





Comments