Sa meet and greet after ng concert… REGINE, TODO-DENY NA NANULAK NG FAN ANG UTOL NIYA
- BULGAR

- Aug 16
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | August 16, 2025
Photo: Regine V. Alcasid - IG
Dinepensahan ni Asia’s Songbird Regine Velasquez ang kapatid laban sa isyu ng umano’y pagtulak sa kanyang fans sa meet and greet kamakailan.
May nagreklamo kasing isang fan na diumano’y itinulak siya ng kapatid ng singer sa meet and greet pagkatapos ng Super Divas (SD) concert.
Ang kapatid umano ng singer na nagngangalang Diana ang itinuturo ng isang fan.
Ayon sa Asia’s Songbird, walang naganap na pagtulak at may hawak siyang video bilang ebidensiya na magpapatunay dito.
Nilinaw niya na ibang tao at hindi ang kanyang kapatid ang nagsabi ng linyang “Kayo ba magbabayad sa venue?”
Ipinaliwanag din ng singer na bagama’t gusto niyang gawing espesyal ang bawat meet and greet, may mga pagkakataong limitado ang oras kaya’t may mga dapat sunding patakaran.
Nag-post si Regine sa kanyang X (dating Twitter) account ng pasasalamat sa mga nanood ng concert nila ni Vice Ganda. Sinamahan na rin niya ito ng paliwanag na may mga pagkakataong hindi posible ang lahat ng inaasahan ng mga fans sa meet and greet.
“Unfortunately, hindi ganu’n lagi, kasi wala tayong oras,” paliwanag ng singer, na binigyang-diin din ang pagod na nararanasan ng mga artista pagkatapos ng isang mahabang performance.
“I also want to correct her, that my sister Diane didn’t push you or said ‘Kayo ba magbabayad sa venue?’ It was the other girl who actually said that,” dagdag ng Asia’s Songbird, sabay banggit na siya mismo ang nakarinig sa totoong nagsabi nito.
Ipinaliwanag pa niya na bago magsimula ang meet and greet, malinaw na pinaalalahanan ang lahat ng attendees na group photo lamang ang gagawin.
Gayunman, may ilan pa ring nagte-take ng selfies, kaya’t kailangan ng team na ayusin ang daloy ng pila at tiyaking ligtas ang lahat.
“By the way, I have the video that you were not pushed by my sister. My sisters and the rest of the people there were just trying to make sure we’re safe,” aniya pa.
Hindi raw baliw… ESNYR, UMAMING MAY MULTIPLE PERSONALITY DISORDER
TSIKA ni Esnyr Ranollo, hindi niya akalaing may multiple personality disorder siya na na-diagnose raw sa online.
Sa interbyu ni Karen Davila, natanong ang dating housemate ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition kung ilang karakter na ba ang nagagawa ni Esnyr sa mga contents nito.
Nakilala si Esnyr na isang sikat na content creator sa social media bago pumasok sa mundo ng showbiz. Sikat na sikat na siya sa social media platforms dahil sa mga nakakatawa at nakakaaliw na videos niya tungkol sa mga nangyayari sa loob ng school.
Aniya sa vlogger/journalist, “16 po s’ya, actually. Actually, puwede na akong magtayo ng isang buong barangay na puro characters ko po lahat.”
Dahil sa iba’t iba niyang karakter ay nagtanong uli si Karen, “Hindi ka ba slightly psychotic (baliw)?”
“May nag-diagnose na po sa akin dati online na may multiple personality disorder daw ako. Wala po akong ganu’ng background,” natatawang sagot ni Esnyr.
Paliwanag niya, “I am healthy po. Just to clear things up. Healthy naman po ako as a person. Pero ‘yun po, I just love portraying lang po talaga.”
Ilan sa mga pak na pak na karakter ni Esnyr sa kanyang school series content ay sina Precious, Ma’am Castro, Charlotte, Balong at Andrei.










Comments