'Di na raw maaagaw kay Belle... SHUVEE, HAHANAP NA LANG NG KAMUKHA NI DONNY
- BULGAR

- 3 hours ago
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 7, 2026

Photo: File / Shuvee Etrata IG
May dapat magbantay at mag-advice kay Shuvee Etrata upang hindi siya basta nagbibigay ng pahayag tungkol sa kanyang ultimate crush na si Donny Pangilinan. Lalo lang kasi siyang maba-bash at magiging negative ang kanyang image sa publiko kapag hindi tama ang nabitawan niyang pahayag tungkol kay Donny.
Okay nang inamin niyang sobra ang paghanga niya sa aktor, pero sa ngayon ay may ka-love team na si Donny, si Belle Mariano, kaya nagagalit ang mga fans ng Kapamilya actress kay Shuvee.
Maraming netizens ang na-turn-off nang sabihin ni Shuvee na kung hindi niya maaagaw si Donny ay hahanap na lang siya ng lalaking kamukha ng aktor. Parang ganoon katindi ang paghahabol niya kay Donny.
Celebrity na rin si Shuvee at marami ang humahanga at umiidolo sa kanya. Dapat niyang alagaan ang kanyang image. Huwag siyang magpaka-fangirl nang sobra. Ang dapat niyang asikasuhin ngayon ay ang kanyang showbiz career. Huwag niyang ipilit ang kanyang sarili sa taong committed na sa iba upang hindi siya mabansagang ‘mang-aagaw’.
Sorry na lang sa ibang girls... ANDREA, BAGO NI ALDEN
Tiyak na kaiinggitan ng ibang Kapuso female stars si Andrea Torres dahil siya ang magiging leading lady ni Alden Richards sa upcoming primetime series na Code Gray (CG). Gaganap dito si Alden bilang doktor.
Magaling din namang umarte si Andrea kaya match sila ni Alden. It’s time na muling sumabak sa aktingan ang aktres. Matagal na rin nang magbida siya noon sa seryeng The Better Woman (TBW) sa GMA-7, kung saan kapareha niya ang ex-boyfriend niyang si Derek Ramsay.
May mga guestings at kasama rin naman si Andrea sa mga regional shows ng Kapuso Network, pero iba pa rin kung sa serye siya magbibida dahil mas maganda ang exposure niya.
Marami nang pagsubok at kabiguan na pinagdaanan si Andrea Torres, pero nananatili siyang matatag at hindi sumusuko.
Ngayon ay career ang kanyang prayoridad.
MARAMI ang natutuwa sa tandem nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez. Nakita ang malakas nilang chemistry noong naging box office hit ang pelikulang Kita Kita (KK). Phenomenal ang success nito sa takilya at marami ang hindi makapaniwala na magugustuhan ang kanilang pelikula.
Kakaiba ang tandem nina Alessandra at Empoy. Kahit na seryosong aktres ito, hindi mapigilan ng lahat ang matawa kapag magkasama sila ni Empoy. Komportable si Alessandra sa kapareha.
May nagsasabing bagay sila bilang partners in real life, pero para kay Empoy Marquez, kapatid lang ang turing niya kay Alessandra de Rossi.
At kahit na super close sila, hindi niya inisip na magkakaroon sila ng relasyon in real life.
Sana, gumawa na lang sila lagi ng pelikula dahil gusto sila ng moviegoers.






Comments