Sa London pa nag-aral… GRETCHEN, PROUD SA ANAK NA MAGNA CUM LAUDE
- BULGAR

- Dec 4, 2020
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 4, 2020

Proud na proud si Gretchen Barretto sa anak niyang si Dominique dahil nag-graduate na magna cum laude sa second course na kinuha nito.
Nu'ng 2017 ay nagtapos na ng Fashion Design si Dominique sa Instituto Marangoni, isang fashion school sa London. Muli siyang nag-aral at naka-graduate ng Associate of Arts in Marketing sa Fashion Institute of Design and Merchandising (FIDM) sa San Francisco, California, USA.
Magna cum laude si Dominique kaya super proud ang kanyang parents na sina Gretchen at Tony Boy Cojuangco.
Maging si Ria Atayde na anak ni Sylvia Sanchez ay bumati rin kay Dominique.
Well, at least, kahit malayo si Dominique sa kanyang pamilya noong nag-aaral siya abroad, hindi naman siya naging pasaway at pabaya sa pag-aaral. Kinaya niyang maging independent at hindi nagwaldas lang ng pera sa mga bagay na walang katuturan.
Alam niya ang kanyang goal sa buhay. Kaya malaki ang tiwala ni Gretchen sa kanyang anak. Binigyan nila ito ng freedom na tuklasin kung ano ang gusto niyang tahakin sa buhay.





Comments