Sa lagay ng ‘Pinas ngayon — Marcos.. Happy ako
- BULGAR

- Jan 28, 2023
- 2 min read
ni Mylene Alfonso | January 28, 2023

Nagpahayag ng lubos na kagalakan si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’
Marcos, Jr., sa 7.6 porsyentong taunang pag-unlad ng bansa noong 2022, na
pangunahing layunin ng kanyang administrasyon upang makaakit ng mga dayuhang
mamumuhunan.
“We are happy to receive the news that our growth rate nistrasyon na sa pagtatapos ng 2nd quarter, bababa na ang inflation rate, lalo na sa mga produktong agrikultural.
“However, for 2023, we still have the problem of inflation which means there is still a problem of certain sectors of society and of the economy, who have yet to enjoy the benefits of that growth. And that’s why inflation is something that we are attending to,” diin pa ng Punong Ehekutibo.
Sinabi ng Pangulo na inaasahan na ng kanyang administrasyon for the year 2022 exceeded all expectations even by the estimates of the international financing institutions and we are holding at 7.6 percent,” wika ni Marcos.
Nagpahayag ng optimismo ang Chief Executive na bababa sa 4 percent ang inflation rate ng bansa sa 3rd o 4th quarter ng taong ito, ayon sa pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
“So, I think that we are headed in the right direction. We still have some interventions that we will have to apply. But nonetheless, we are weathering the shocks on the
international economic situation and we are starting to see that the economy is moving in the correct direction,” paliwanag ng Pangulo.
Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Huwebes na ang Pilipinas ay nag-post ng 7.6% na paglago noong 2022, ang pinakamataas sa loob ng 46 na taon mula nang magtala ang bansa ng 8.8% na paglago noong 1976.
Ang Philippine Gross Domestic Product (GDP) ay nagpost ng paglago ng 7.2% sa 4th quarter ng 2022, na nagresulta sa 7.6% full-year growth, sabi ng PSA sa ulat nito.





Comments