Sa kabila ng pandemic, Sumo tournament sa Japan, maaari ng makanood ng live
- BULGAR

- Jul 20, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh - | July 20, 2020

Nagsama-sama muli ang mga sumo fans sa Tokyo Japan matapos 5 buwan na nakipagsapalaran sa COVID-19 pandemic.
Live ng napanood ng mga sumo fans ang Tournament ng kanilang favorite wrestler.
Ngunit, kinakailangan na may suot silang mask at one sit apart ang kanilang puwesto.
Ito ay orihinal na naka-schedule noong Mayo, ngunit dahil sa COVID-19 pandemic ay hindi ito natuloy. Samantala, natuloy ang Spring Grand Tournament sa Osaka ngunit, hindi nagpapasok ng manonood.
Na-delay pa ng 2 linggo ang July meet matapos itong ilipat sa Nagoya, ang central Japan papunta sa capital nito para maiwasan ang pagkalat ng virus.
Ayon sa Japan Sumo Association (JSA), papayagan nilang manood ang 2,500 fans kada araw ng two-week tournament sa Ryogoku Kokugikan na may kapasidad na 11,000.
Bukod pa rito, pinayagan na rin ang mga residente ng Japan na manood ng baseball at soccer match na limitado lamang sa 5,000.
Sa pagbubukas ng sumo tournament, itinanghal na grand champion si Hakuho, habang natalo naman si Kakuryu.





Comments