top of page

Sa jeep, bus, tren, etc.... Mga kabataan, bawal pa rin isakay — DOTr

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 6, 2021
  • 2 min read

ni Lolet Abania | November 6, 2021



Ipinagbabawal pa rin ang mga menor-de-edad na pasakayin sa mga pampublikong transportasyon sa National Capital Region (NCR) kahit pa kasama nila ang kanilang mga magulang o guardians, ayon sa isang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) ngayong Sabado.


Gayundin, kahit pa pinayagan na itaas sa 70 porsyento ang kapasidad ng mga pasahero sa mga public vehicles, kasabay ng pagluluwag ng quarantine protocols dahil na rin sa pagbaba ng kaso ng COVID-19.


Sa isang public briefing, sinabi ni DOTr Assistant Secretary Manuel Gonzales na wala pang inilalabas na mga guidelines mula sa ahensiya hinggil dito.


Ang kapasidad para sa rail lines at piling public utility vehicles (PUVs) sa rehiyon ay itinaas na sa 70% mula sa dating 50% noong Nobyembre 4.


“For the past 2 days, pinagbabawal po ng IACT, ng mga enforcers natin na magdala ng bata, na magsakay kasi po wala pa namang guidelines dito ang ating pamunuan sa transportasyon,” paliwanag ni Gonzales, na siya ring chief ng Inter-agency Council for Traffic (IACT).


“So ‘yung mga senior o ‘yung mga may dalang bata, hindi pa po natin pinasasakay dahil bawal pa nga po ‘yung mga bata for the past 2 days na ini-implement natin itong 70 percent,” dagdag ni Gonzales.


Matatandaang nitong kalagitnaan ng Oktubre pinayagan nang mag-travel ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga minors sa NCR, na may 13 milyong indibidwal na naninirahan, basta may mga kasama silang adults.


At ngayon na ang Metro Manila ay isinailalim sa Alert Level 2, ang mga kabataan ay pinayagan na ring lumabas ng bahay at magpunta sa mga establisimyento at malls, anuman ang kanilang vaccination status.


Maaari na rin silang magtungo sa mga fairs, peryas o kids’ amusement areas gaya ng playgrounds, playroom, at kiddie rides na pinayagan na ring mag-operate sa ilalim ng pinababang quarantine level.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page