Sa ika-87 founding anniversary… AFP, pinuri ni P-BBM sa “makabuluhang paghina” ng CPP
Updated: Dec 20, 2022
ni Lolet Abania | December 19, 2022

Ipinagdiwang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ngayong Lunes ang kanilang ika-87 founding anniversary na ginanap sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.
Dumalo sa selebrasyon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kanyang kauna-unahan bilang Commander-in-Chief ng Armed forces.
Kasama ng Pangulo sina AFP Chief-of-Staff Bartolome Bacarro, Department of National Defense (DND) officer-in-charge Jose Faustino Jr., Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos, at iba pang mga opisyal ng gobyerno at foreign dignitaries.
Pinangunahan din ni Pangulong Marcos ang paggawad ng mga awards sa mga military officers, civilians, at mga organisasyon na nagbigay ng malaking kontribusyon sa AFP.
Pinuri naman ng Punong Ehekutibo ang AFP sa kanilang nagawa dahil sa aniya, “significant decline [of the communist insurgency in the country]”.
“For years, growth in the regions has been held back by the presence of communist terrorists, lawless elements who hamper the delivery of government services in infrastructure development,” pahayag ni Pangulong Marcos sa kanyang speech.
“Through your efforts, along with other law enforcement authorities and government agencies, we now see a significant decline in their numbers, and that you have helped in to pave the way for development to foster and for communities to live in peace,” dagdag ng Chief Executive.
Ito ang naging pahayag ni Pangulong Marcos, ilang araw matapos na maiulat na si Jose Maria “Joma” Sison, ang founder ng Communist Party of the Philippines (CPP), ay pumanaw na sa edad 83 habang exiled ito sa The Netherlands.
Ayon sa DND, ang pagpanaw ni Sison ay maaaring humantong sa pagwawakas ng karahasan sa bansa, kung saan tinawag nila si Sison na, “greatest stumbling block” para sa kapayapaan.
Samantala, una nang sinabi ng AFP, katuwang ang Philippine National Police (PNP), na handa sila sa anumang posibleng pag-atake o tactical offensive ng armed wing ng CPP, ang New People's Army (NPA), kasunod ng pagkamatay ni Sison at sa 54th anniversary ng partido sa Disyembre 26.





Comments