top of page
TALKIES - KAREN, PROUD NA PROUD NA NAKAUSAP SI ANGELINA JOLIE_FB Karen Davila.jpeg

Sa harap ng mga player... Volleyball coach, binaril sa ulo, dedbol

Writer: BULGAR
BULGAR
7 hours ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | November 15, 2026



Volleyball coach binaril sa Davao - GMA Regional

Photo: Volleyball coach binaril sa Davao - GMA Regional



Patay ang isang volleyball coach matapos barilin sa ulo ng isang hindi pa nakikilalang salarin habang nagtuturo sa kanyang mga manlalaro sa Davao City nitong Huwebes ng gabi.


Naganap ang pamamaril sa loob ng isang gymnasium sa Purok 4, Brgy. Bago Gallera.

Nabatid na kasalukuyang nagsasagawa ng volleyball practice ang coach na si alyas Hernan, 33, kasama ang kanyang mga manlalaro nang biglang pumasok ang isang lalaking naka-facemask.


Walang sabi-sabing nilapitan ng suspek ang biktima at binaril sa likod ng ulo bago tumakas.


Sumakay ang salarin sa isang motorsiklong naghihintay sa labas, kung saan mayroon ding mga nakasuot ng helmet na hinihinalang kasabwat nito.


Sinusuri na rin ng mga awtoridad ang mga kuha ng CCTV camera sa lugar na posibleng makatulong sa pagtukoy sa mga salarin at pagresolba sa kaso. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page