top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sa F2F classes… Estudyante at guro, required pa rin ang face mask – DOH

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 8, 2022
2 min read

ni Lolet Abania | September 8, 2022



Nananatiling required sa mga estudyante at mga guro na kalahok sa face-to-face classes ang pagsusuot ng face masks kahit na inirekomenda ng Inter-Agency Task Force of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang boluntaryong paggamit nito sa mga open spaces sa pagtatapos ng taon, ayon sa Department of Health (DOH).


Binigyang-diin ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na ang proposal ng IATF ay optional lamang na pagsusuot ng face masks sa mga open spaces o non-crowded outdoor areas na may maayos na ventilation, at sa kondisyon na ang pagtanggap ng COVID-19 booster sa bansa ay nag-improve na.


Dahil sa ang mga klase ay ginagawa indoors, iginiit ni Vergeire na hindi ito sakop ng nasabing rekomendasyon.


“Classes are done indoors. Hindi pa ho kasama ngayon ang indoors dito sa ating polisiya,” saad ni Vergeire sa isang interview ngayong Huwebes.


Sa bahagi naman ng Department of Education (DepEd) anila, “no comment” hinggil sa usapin dahil hindi pa nakikipag-ugnayan ang ahensiya sa DOH.


“Will wait for the official approval of the Office of the President and we will abide by whatever [it] directs as to do, as well as the DOH,” pahayag ni DepEd spokesperson Atty. Michael Poa sa isang press conference.


Ayon kay Poa, maglalabas ang DepEd ng kaukulang anunsiyo kapag ang Office of the President ay nakapag-isyu na ng isang executive order kaugnay sa proposal ng IATF.


Nanawagan naman si Vergeire sa mga magulang at guardians na tiyakin na ang kanilang mga anak ay nagsusuot pa rin ng face mask sa mga paaralan para maiwasan ang panganib ng COVID-19 infection.


“Sana po ang ating mga magulang, magkaro’n pa rin ng pag-assess ng risks dahil alam natin na ang ating mga kabataan, marami sa kanila ay hindi pa bakunado. Ipagsuot pa rin natin ng masks ang ating mga kabataan ‘pag papasok sa school,” sabi ni Vergeire.


“Kapag uuwi na lang kapag maglalaro, at maluwag naman ang lugar, walang tao, at saka na lang tayo magkaroon nitong optional wearing of mask,” dagdag ng kalihim.


Hinikayat din ng IATF ang mga senior citizens at immunocompromised individuals na manatiling magsuot ng face masks.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page