top of page
Search
BULGAR

Sa edad na 64, ‘di na raw magloloko… WILLIE, INALOK MAGING DYOWA SI GRETCHEN

ni Lucille Galon @Showbiz | July 18, 2024



Showbiz News

Inalok ng TV host na si Willie Revillame na maging dyowa ang athlete at broadcaster na si Gretchen Ho sa Seryosong Usapan: Willie Revillame Faces the Journos sa TV5. Kasama rito sina Ed Lingao, Lourd De Veyra, at Patrick Paez na nag-interbyu kay Willie dahil sa pagbabalik nito sa show na Wil To Win.


Sey ni Gretchen, “‘Wag na rin akong mag-asawa, ‘no?”


Alok naman ni Willie na bakas pa rin ang pagiging komedyante, “Gusto mo tayo na lang?” 


“E, kasi pati ikaw, nadadamay ka, ayaw mo mag-asawa. Depende, mamaya magustuhan kita, magustuhan mo ako,” dagdag nito.


Makikita sa reaksyon ni Gretchen na nagulat ito.


Tanong niya, “Dapat ba akong umiwas sa mga tulad ninyo?”

Seryosong sagot ni Willie, “E, bakit ka iiwas sa tao na may magandang puso?


“Bakit ka iiwas sa taong hindi ilegal ang ginagawa? Legal ang ginagawa, mahal ng mga mahihirap? Bakit ka iiwas sa taong mabuti ang hangarin?”


Hirit na tanong naman ni Gretchen, “Paano kung gusto ko ng loyal, ‘yung committed?”

“Bibigyan kita ng Loyal Tru-Orange,” pabirong sagot ni Willie.


Pahabol naman nito, “Ngayon, palagay ko, at my age, going 64, magloloko pa ba ako?”


Tanong naman ni Willie kay Gretchen, “Bakit ba ang mga tanong mo tungkol sa pag-ibig? Malungkot ka ba, Gretchen?”


Sey ng dalaga, “Masayang-masaya!”


S

eryosong tanong naman ni Willie, “May boyfriend ka ba?”

Sagot nito, “Wala! Masayang-masaya akong mag-isa kasi ayoko ng sakit sa ulo, e. Kasi baka magkasal tapos hihiwalay lang.”


Well, pareho naman silang single kaya bakit hindi? Pero ang tanong, gusto ba siya maging nobyo ni Gretchen? Matatandaang isa si Gretchen Ho sa nag-file ng petition para patalsikin si Willie Revillame sa ABS-CBN nu’ng 2009 dahil sa dami ng eskandalo nito noon. 


 

INI-REVEAL ni Pokwang sa Showbiz Update vlog ni Ogie Diaz na bukod sa “micro-cheating” na pag-like sa mga sexy photos ng mga babae ni Lee O'Brian at panloloko sa negosyo ay hindi ito nagpapaka-ama sa kanilang anak, dahilan para kamuhian ito ng aktres.


Pahayag ni Pokwang, “Nagagalit ako kasi hindi n’ya ako tinutulungan du’n sa bata. Aminin n’yo naman ang mahal-mahal na ng bilihin ngayon. Eh gusto ko, mabigyan ng magandang edukasyon ‘yung bata. Hindi pwedeng ako lang ‘to. Karapatan ng bata ‘yun, eh. Karapatan ng bata na makakuha s’ya ng kung ano ang para sa kanya. Ano ito, ginawa mo lang ‘yung bata tapos wala na, ganu’n-ganu’n lang ‘yun?” 


Ibinunyag din ni Pokwang na nu’ng buntis siya ay nahuli niya ang pagma-micro-cheating ng dating partner sa pamamagitan ng pag-like nito sa Instagram (IG) posts ng isang babae at sinaktan siya nito nang malaman na alam na ni Pokwang ang katarantaduhang ginawa niya. 


Aniya, “Natutulog ako ng hapon, nap time, bigla s’yang pumasok sa kwarto, binuhusan n’ya ako ng tubig, as in binuhusan n’ya ako ng tubig. Basang-basa ang kama, pinagmumura n’ya ako. Para raw bini-big deal ko daw ang mga ganu’n. Kasi siguro sumama ang loob n’ya dahil nabuking ko s’ya. Tapos dinuro-duro n’ya ako habang nakahiga ako sa kama. ‘Yan ha, hindi ko nilabas ‘yan, ngayon lang.”


Hindi rin daw kagustuhan ni O’Brian na nagbuntis siya.

Kuwento ni Pokwang, “Ayaw n’ya, kulang na lang dukutin n’ya ‘yan, kasi nga ayaw n’ya sa responsibilidad. Nu’ng ipinakita ko sa kanya ‘yung pregnancy test kit, napatayo sa kama. Akala ko matutuwa, galit na galit s’ya. Ayaw n’ya ang pagbubuntis ko.


“Kaya nu’ng lumalabas na si Malia, siguro wala na lang s’yang choice, minahal man n’ya ang bata, siguro mahal n’ya dahil bata. Pero ‘yung ginampanan n’ya ‘yung pagiging ama never, never. Ni hindi s’ya nag-effort na maayos kami ulit. Kung talagang mahal n’ya ang anak n’ya, kung mahal n’ya kami, gagawa ng effort ‘yan.


“Grabe lahat ng pagtatakip talaga ay ginawa ko sa kanya. Kung husgahan n’yo ako, hindi n’yo pa po alam ang lahat, marami pa kayong hindi alam. Ang nakikita n’yo lang ay ‘yung nangyayari sa social media, sa interbyu, pero behind cam, hindi n’yo alam kung ano ang nangyayari sa ‘min. Ilang beses akong muntik makunan, kung hindi ko ipinaglaban si Malia na ini-injectionan ako ng pampakapit, walang Malia dahil sa stress ko sa kanya. Ipinaglaban ko lang, ‘di ba? Tapos sasabihin mo mahal mo anak mo, saan banda?” 


Well, ngayon ay sasampahan na ni Pokwang ng Violence Against Women and Children si Lee O’Brian.


Sey rin ni Pokwang ay hindi rin ito nagparamdam sa anak matapos ma-deport.

0 comments

Commenti


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page