top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Sa Disyembre 29... Mock elections, isasagawa sa 34 barangay nationwide – Comelec

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 27, 2021
2 min read

ni Lolet Abania | December 27, 2021


Nakatakdang magsagawa ng mock elections ang Commission on Elections (Comelec) sa 34 barangays nationwide sa Miyerkules, Disyembre 29.


Sa isang virtual briefing, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na magiging bukas ang proceedings sa media, citizens’ arm groups, at ilang political parties.


Ang mock elections ay isasagawa ng sabay-sabay mula alas-7:00 umaga hanggang alas-5:00 ng hapon sa mga sumusunod na lugar:


• National Capital Region: 2 barangay sa Pateros, 2 sa Taguig City, at 2 sa Pasay City

• Isabela: 2 barangay sa Cauayan City at 2 sa Cordon

• Albay: 2 sa Legaspi City at 2 sa Pioduran

• Negros Oriental: 2 sa Dumaguete City at 2 sa Zamboanguita

• Leyte: 2 sa Tacloban City, 2 sa Baybay City, at 2 sa Palampon

• Maguindanao: 2 sa Cotabato City, 2 sa Shariff Aguak, 2 sa Buluan

• Davao del Sur: 2 barangay sa Digos City at 2 sa Sulop


Ayon kay Jimenez, ang test ballot ay may sukat na aniya, “whopping 30 inches long” at naglalaman ng mga fictitious names ng mga kandidato.


Ang mga pangalan ng mga national at local candidates ay nakaimprenta sa unang pahina ng balota habang ang mga pangalan ng party-lists ay nakalagay naman sa likurang bahagi.


“These are fictitious names. So we will not be using the tentative list for anything even in resembling mock elections. That will not be a good idea,” sabi ni Jimenez.


Kabilang sa mga detalyeng oobserbahan ng Comelec sa mga polling barangay ang pagkakaroon ng Voters Assistance Desk, kung saan binuo upang madaling maka-access sa voters’ information.


Sinabi pa ni Jimenez na kasama rin sa kanilang i-evaluate ang pagkaunawa ng publiko hinggil sa emergency accessible polling places at ang isolation polling places, gayundin ang sitwasyon sa loob ng classrooms o polling precinct.


Ayon pa sa Comelec, magiging livestream ang gaganaping mock elections.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page