Sa December daw ibubulgar ang dahilan… KRIS AT MGA ANAK, SA IBANG BAHAY NAKATIRA

ni Nitz Miralles - @Bida | October 31, 2020

Nakakaintriga ang sagot ni Kris Aquino na “I’ll explain our situation by December... for now it’s easier for my sons and me if I keep quiet. I hope you understand,” sa tanong kung bakit hindi sila sa bahay nila sa Green Meadows nakatira ngayon ng mga anak na sina Josh at Bimb.
Consistent ang sagot na ito ni Kris na sa December na niya sasabihin kung bakit sa condo o hotel ba sila nag-i-stay ngayon. Sabagay, malapit na ang December, malalaman na ang rason kung bakit wala sa bahay nila sina Kris.
'Kaaliw lang ang place kung saan nakatira sina Kris ngayon, parang mini-supermarket sa dami ng food. At hindi lang food, halos lahat ng makikita sa supermarket, nasa kuwarto niya. Parang ireregalo niya yata sa Pasko ang iba roon dahil sabi nito, tutulungan siya ng Puregold at Shopee na maging si “Ninang Krissy” sa Pasko.
Samantala, sa GMA Studio gagawin ang Tutok to Win sa November 11 na special show ng Shopee. Sa petsang ito raw lalabas si Kris sa show ni Willie at magkatulong sila na iho-host ang segment ng Shopee sa Wowowin. Ang nabalitaan namin, makakasama nila sa araw na ‘yun sina Gabbi Garcia, Khalil Ramos at Mark Bautista.





Comments