Sa dami raw ng pinagdaanan nila… JOPAY KAY JOSHUA: IKAW AT IKAW PA RIN ANG PIPILIIN KO ARAW-ARAW
- BULGAR

- 6 hours ago
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 14, 2026

Photo: Jopay Paquia at Joahua Zamora - FB
“Mahal na mahal kita,” ang pahayag ng actress-dancer na si Jopay Paguia sa kanyang social media post para sa kanyang asawa na si Joshua Zamora.
Saad ni Jopay, “Wherever you go, whatever you do, I will be right here waiting for you.
“Sa rami ng pinagdaanan natin, masaya man o mahirap, isa lang ang sigurado ko, ikaw at
ikaw pa rin ang pipiliin ko araw-araw. ‘Di man laging madali ang buhay-mag-asawa, pero sa bawat pagsubok, mas lalo kong nakikita kung gaano katatag ang pagmamahalan natin.
“Salamat sa pagiging sandalan ko, sa pag-intindi, at sa pagmamahal na hindi nagbabago. Kahit saan tayo dalhin ng panahon, hawak ko pa rin ang pangako ko, nandito lang ako, kasama mo palagi. Mahal na mahal kita.”
In fairness, maraming kinilig sa post ni Jopay, lalo na ang mga pinalaki ng Sexbomb.
HINDI lang ganda at talino ang taglay ng aktres at Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Dee (MMD), nangingibabaw pa rin ang kabutihan sa puso nito.
Ayon sa ulat ng programang 24-Oras ng GMA Network, patuloy ang pagtulong niya sa mga individuals with Autism Spectrum Disorder (ASD).
Saad ni Michelle, “It’s more on motivation to use what I have and the gifts that I have been given by God to help my brothers and to help the platform.”
Hiling ni Michelle na sana ay mas mabigyan ng suporta at karampatang serbisyo ng ating gobyerno ang mga nasa autism spectrum tulad sa ibang bansa.
Dagdag pa ni Michelle, “That also includes removing some of the financial burdens from the family because that's something I’ve noticed abroad, where there is financial support and all of these systems in place to help the families go through it, whether that’s education, whether that's healthcare.”
Ang hiling niyang ito ay nakapaloob sa National Autism Care Support and Inclusion Bill na nais maisabatas ng tulad niyang advocates at organizations tulad ng Autism Society Philippines.
Hinimok din ni Michelle ang mga mambabatas na ipasa ang panukalang ito.
Saad ni Michelle, “My appeal to the lower House is sana, ipasa na natin because this is definitely long overdue. The only thing that’s stopping them from getting the necessary care and needs and provisions is for the government to actually pass it and make it part of the system.”
Sa gaganaping Angels Walk for Autism sa SM Mall of Asia Arena (MOA) sa April 26 ngayong taon, positibo si Michelle at ang ASP na mahihigitan ngayong taon ang 40,000 na dumalo last year.
Well, sana ay mapansin ng gobyerno ang simpleng hiling ni Michelle.
Xerox copy daw niya… MELAI, TAKOT NA TAKOT NA GAYAHIN NG ANAK ANG MGA GINAWA NOON
“I love you, my forever baby, Stela,” ang simple pero punumpuno ng pagmamahal na mensahe ng aktres na si Melai Cantiveros sa kanyang bunsong anak na si Stela Rosalind na nagdiwang ng kaarawan noong April 9.
Saad ni Melai sa post niya, “Happy birthday to my Baby Stela. Late post na ito dahil sa sobrang dami ng ginagawa, mahal.
“I love you, my forever Baby Stela na sinobrahan ang pagka-Xerox copy kay Mama. Takot na takot tuloy ako sa pinaggagawa ko dati kasi kuhang-kuha mo ang mga moves like Jagger ko.”
Samantala, isang Minion-themed party ang inihanda nina Melai Cantiveros at Jason Francisco para sa ika-9 na kaarawan ng anak na si Stela.
Happy birthday, Stela!
‘Yun lang, and I thank you.




Comments