Sa dami ng suitors, may nagwagi na raw… JILLIAN, GUSTONG ITAGO SA PUBLIKO ANG BAGONG LABS
- BULGAR

- 11 hours ago
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Talkies | June 9, 2026

Photo: IG _jillian
Parang Barbie doll sa kanyang kagandahan at super-blooming ang Kapuso actress na si Jillian Ward nang mag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) kamakailan.
Sa naging panayam, masayang inamin ni Jillian na may espesyal na taong nagpapakilig sa kanya ngayon.
Bukod dito, ibinahagi rin ng aktres na minsan na siyang nambasted ng kapwa-artista, nang-ghost ng manliligaw, at umamin din noon sa kanyang crush.
Nang usisain naman siya ng King of Talk na si Boy Abunda kung may napili na ba siya sa kanyang mga manliligaw, nakangiti niyang sagot, “Maybe.”
Diretsahang tanong ni Boy, “Ang daming nali-link sa ‘yo. Nasaan ang puso mo ngayon? May nagmamay-ari na ba?”
Saad ni Jillian, “Well, alam n’yo po, Tito Boy, recently na-realize ko po na I want to keep this part of my life private kasi gusto ko rin pong maprotektahan ang mga tao sa paligid ko. Whether family ko ‘yun, friends ko, or loved ones, gusto ko na maging private s’ya para mas ma-cherish ko ang mga connections at relationships ko with people.”
Bagama't tikom pa rin ang bibig ng aktres tungkol sa tunay na estado ng kanyang puso, hindi maikakailang may isang masuwerteng lalaki na tila espesyal na sa kanyang buhay.
Kaya ang tanong ni yours truly, sino kaya ang lalaking nagwagi sa puso ng blooming Barbie doll na si Jillian Ward? May ideya ba kayo, mga madlang people?
BILIB pa rin ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa husay sa pagkanta ng kanyang ex-boyfriend na si Miguel Vera.
Sa kanyang social media post, hindi maitago ni Ai Ai ang paghanga sa talento ni Miguel at ipinahayag pa niya ito sa pamamagitan ng isang nakakaaliw na mensahe.
Sey ni Ai Ai, “Napakahusay mo pa rin kumanta, Papey! Wohooo! Ang tatay ng aking mga anak... ang papa ng Children of the Corn! Welcome back sa Pilipinas, Mr. Miguel Vera. More projects to come sana. Kinanta mo rin sana ang Nais Ko! Wohooo! Ikaw talaga ang OG (original). At kamukha mo pala talaga si Budang! Hehehe!”
Agad namang pinusuan ni Miguel ang naturang post at nag-iwan pa ng mensahe ng pasasalamat para sa aktres.
“Thanks for sharing, Masyung! (tawag niya kay Ai Ai),” saad ni Miguel sa comment section.
Mukhang nananatiling maayos at puno ng respeto ang samahan ng dating magkasintahan sa kabila ng kanilang paghihiwalay.
Talagang nakaka-good vibes makita na napanatili nina Ai Ai delas Alas at Miguel Vera ang kanilang pagkakaibigan.
Pak na pak at bongga pa rin ang kanilang samahan!
MASAYANG ibinahagi ng aktres-comedienne na si Rufa Mae Quinto sa kanyang Instagram (IG) account ang kanyang pagbabalik sa Amerika kasama ang anak.
Kalakip ng kanyang post ang larawan nila habang namamasyal sa isang parke sa U.S.
Ayon kay Rufa Mae, masaya siyang muling nakabalik sa kanilang tahanan sa Amerika.
Saad ni Rufa Mae sa post niya, “We are back in our home in the USA!
“Me and my mini me with the wind, the sun, the trees in the park like how we always do. Play in the park, picnic, play and more!
“I dedicate all my time to nurture nature for your future human nature, Anak. I’m so glad we are back home. The story begins.”
In fairness, kapansin-pansin na nananatiling positibo at blooming si Rufa Mae Quinto, bagay na hinangaan ng kanyang mga tagahanga.
‘Yun lang, and I thank you.





Comments