top of page
Search
  • BULGAR

Sa dami ng nakahalikan… ELIZABETH OROPESA: BEST KISSER SI FPJ

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | March 27, 2024




Isa si Elizabeth Oropesa sa mga namayagpag na star ng kanyang henerasyon, na nagwagi ng maraming parangal sa pag-arte mula sa Gawad Urian, FAMAS, at iba pa.


Sa kasaysayan ng kanyang karera, nakatrabaho niya ang maraming beteranong direktor tulad nina Ishmael Bernal at Joel Lamangan, pati na rin ang mga magagaling na aktor tulad nina Gloria Diaz, Daria Ramirez, at iba pa.


Sa "Fast Talk with Boy Abunda" noong Martes, nagbalik-tanaw ang beteranang aktres sa ilan sa mga highlights ng kanyang karera.


Nang tanungin kung sino ang pinakamahusay na humalik sa mga aktor na kanyang nakatrabaho, sinabi ni Elizabeth na si Fernando Poe, Jr.


"Ngayon, revelation 'yan na ngayon ko lang nasabi kasi patay na si Ate Susan, nahiya naman ako baka mapagdudahan [ako]," ani Elizabeth.


"Beautiful, best kisser. And the lips, my God, so soft. Disente siya humalik,” dagdag niya.

Ibinahagi niya rin na si FPJ ay very tender, very loving, at "basta napakasarap" daw humalik.


"Kung siya ay tsokolate, Belgian. Melts in your mouth," ayon pa sa aktres patungkol sa namayapang Da King ng Phil. Cinema.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page