Sa arrest warrant ng ICC... 10K pulis vs. Bato — Jonvic
- BULGAR

- 6 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | May 10, 2026

Photo: File / Sen. Ronald Bato Dela Rosa - FB
Wala pang impormasyon kaugnay sa paglalabas ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa. Ito ang ginawang paglilinaw ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla.
“None yet to my information. As far as I am concerned, until I see the official copy, it is hearsay,” wika ng DILG chief.
Kaugnay nito, ibinunyag ni Remulla ang kasalukuyang lokasyon ni Dela Rosa.
“He’s in the Davao region,” wika ng DILG chief.
Aniya, kasalukuyang naghahanda ang ahensya ng “10k task force” para sa dragnet operations sakaling mailabas ang arrest warrant laban sa senador.
“As of the latest update, the DILG is preparing a 10k task force for dragnet operations in case a warrant of arrest for Senator Bato is issued,” saad pa ni Remulla.
Bumuo na rin aniya ng task force ang DILG kasunod ng hindi beripikadong impormasyon.
“It takes time to mobilize,” diin ng kalihim.
Samantala, sinabi na rin ng ICC na wala pang pampublikong warrant of arrest na inilalabas kaugnay ng sitwasyon sa Pilipinas.





Comments