SA 6 na dekada sa showbiz, never pang nagawa… VILMA, GUSTONG GUMANAP NA MUSLIM AT PWD
- 4 hours ago
- 4 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 27, 2025

Photo: Vilma Santos / IG
Pinaglaanan talaga ng panahon ng gobernadora ng lalawigan ng Batangas na si Hon. Vilma Santos-Recto ang 27th Gawad Pasado Awards para personal na tanggapin ang kanyang tropeo bilang Pinaka-PASADONG AKTRES at PASADO ng Dambana ng Kahusayan sa Pagganap o Hall of Fame na ginanap sa Manila Tytana Colleges, Macapagal Avenue, Pasay City nitong Sabado nang gabi.
Naluklok bilang Hall of Famer si Ate Vi dahil naka-limang panalo na siya sa Gawad Pasado na nagsimula sa pelikulang Bata, Bata, Paano Ka Ginawa (BBPKG) (1998), Anak (2000), Dekada ‘70 (2002), Everything About Her (EAH) (2016), at Uninvited (2024).
Ang Gawad PASADO ay film organization ng mga guro at propesor mula sa iba’t ibang pampubliko at pribadong paaralan at kolehiyo sa buong Pilipinas.
Bago tinanggap ni Ms. Vilma ang kanyang dalawang awards ay nakatsikahan muna namin siya. Nabanggit niyang sobra siyang grateful sa lahat ng mga recognitions at awards na natatanggap niya mula sa industriya ng paggawa ng pelikula. Kahit nagsilbi siya sa kanyang mga constituents sa Batangas, hindi niya iniwan ang movie industry na malaking bahagi ng kanyang buhay.
Naalala ni Ate Vi na noong una siyang nanalo sa Gawad Pasado ay hindi siya nakadalo. Personal pa raw dinala sa kanyang opisina ang kanyang award noong siya ay congresswoman pa.
Sa pagkakatanda niya, ito ay para sa pelikulang EAH kasama sina Angel Locsin at Xian Lim.
“Dinala sa opisina ko pa, ngayon Hall of Famer na,” masayang sabi ni Ate Vi, katabi si Mylene Dizon na nanalo naman bilang Best Supporting Actress para sa pelikulang Uninvited.
Sa dami ng natanggap na awards at recognitions ng Star for All Seasons, gaano kahalaga sa kanya ang bawat pag-akyat sa entablado para tanggapin ang mga ito lalo’t may iba rin siyang gawain ngayon bilang public servant?
“Definitely, kasi kahit public servant ako, artist pa rin ako sa puso ko. Sa mga ganitong ibinibigay sa aking recognition sa mga pelikulang ginagawa ko, malaking bagay ito sa akin.
“Maaaring hindi kasing-excitement noong unang-una, pero itine-treasure ko ito kasi kahit papaano, nag-a-attest ito na ‘You did good.’ Being in the business for more than 62 years at nabibigyan ka pa at kinikilala ka pa, malaking bagay ‘yun for me,” nakangiting pahayag ni Ate Vi.
Malaki ang paggalang ng aktres sa lahat ng award-giving bodies dahil iba’t iba silang grupo ng mga indibidwal na pinapanood ang bawat trabaho niya, katulad nitong Gawad Pasado na binubuo ng mga guro at propesor mula sa pampubliko at pribadong paaralan at kolehiyo sa buong bansa.
“Malaking bagay ito dahil academe ito. Mga educators sila, may sarili silang mga desisyon at hindi ito ordinary na, ‘Sige, pili na lang tayo.’ May prestige because they are educators basta’t pinag-usapan ang PASADO.
“May PMPC (Philippine Movie Press Club) na binubuo ng press people, meron tayong Film Academy of the Philippines (FAP) na binubuo ng colleagues sa industry, meron tayong FAMAS na sektor din ng industriya, at mayroon tayong Urian na pawang mga kritiko,” esplika ni Ms. Vilma.
Natanong din kung sa anim na dekada ng natatanging Vilma Santos ay ano ang
mayroon siya dahil hanggang ngayon ay nandito pa rin siya sa film industry.
“I think hindi ko kasi iniwan ang showbiz in a way. In 6 decades, may point sa career ko na kailangang mag-take ka ng risk at hindi ako natakot. I took the risk. I think ‘yung mga ganu’n na hinarap ko, and modesty aside, it helped me for longevity para abutin ka ng ganitong kahaba na dinaanan ko up to this day.
“So, hindi ako natakot to reinvent myself, to learn more. Hindi porke’t nanalo kang Best Actress, you’re the best — of course not. You are only good as your last film. After that, merong mas magaling sa ‘yo. So, don’t stop learning, be willing to take the risk, love your career ‘coz it will love you back, at ‘wag kalimutan ang mga dinaanan mo kasi ‘pag sila ang dinaanan mong paakyat, sila rin ‘yung dadaanan mong pababa.
“Make sure na marunong kang maging grateful sa mga taong nand’yan sa ‘yo for so many years. So, I think ‘yan ang dinaanan ko up to this day para tumagal ako nang ganito katagal. Thirty five years! Hahaha! My God, 6 decades, tapos 35?” natatawang pabirong pahayag ng Star for All Seasons.
Samantala, sa anim na dekada ni Ate Vi sa industriya at sa dami ng karakter na nagampanan na niya, mayroon pa pala siyang gustong gawin, ang maging female Muslim o mentally challenged person with disability (PWD).
Ito raw sana ang gusto niyang gawin bago matapos ang tatlong taong paninilbihan niya sa Batangas.
Aniya, “I will be serving Batangas for three years, pero sana kahit makaisang pelikula, ipapakiusap ko sa mga Batangueño. Nami-miss ko rin, hinahanap ng katawan ko talaga.”
Kaya naman panay ang panawagan ni Ate Vi kay Bryan Diamante na naaaliw sa kanya,
“Mentorque, baka naman. Paging, Mentorque.”
May nagampanang karakter na Muslim si Ate Vi pero guest star lang daw siya, at asawa siya ni dating Senador Ramon Revilla, Sr. (SLN) sa pelikulang Arrest: Pat. Rizal Alih – Zamboanga Massacre (1989) na idinirek ni Carlo J. Caparas.
SA ikatlong taon ng Puregold CinePanalo Film Festival 2026 ay inanunsiyo na ang Top 7 finalists.
Sa pitong pelikula ay namumukod-tanging si Direk Lawrence Fajardo ang kilala ng lahat dahil marami na siyang naging proyekto mula indie hanggang mainstream at TV series.
Ang mga pelikulang napasama sa 7 ay ang mga sumusunod: Wantawsan ni Joseph Abello, Mono no Aware ni BC Amparado, Apol of My AI ni Thop Nazareno, Patay Gutom (Dead Hunger) nina Carl Papa at Ian Pangilinan, Beast ni Lawrence Fajardo, Stuck on You ni Mikko Baldoza, at Multwoh ni Rod Singh.
Makakatanggap ng tig-P5 milyong grant ang bawat filmmaker para sa gagawin nilang pelikula.
Mapapanood ang mga nabanggit na pelikula sa CinePanalo Film Festival 2026 mula Agosto 7 hanggang 18 sa Gateway 2 Cinema, Ayala Malls The 30th, Ayala Mall Manila Bay, UP Town Center, Ayala Center, at Alabang Town Center.








Comments