- BULGAR
Sa 42nd b-day ng misis…. HIRIT NI SEN. MANNY: JINKEE, AMAZING WIFE AT MOTHER
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | January 14, 2021

Nagdiwang ng kanyang 42nd birthday nitong January 12 ang social media star na si Jinkee Pacquiao kasama ang asawang si Pambansang Kamao-Sen. Manny Pacquiao at kanilang mga anak.
Makikita sa kanyang bagong Instagram posts, Jinkee spent some quality time with her family at The Farm in San Benito, Batangas for her special day.
"My heart is still smiling. Thank you, Lord, for everything!" she wrote in the caption.
May isang photo kung saan makikita ang natanggap niyang bouquet ng white and red roses mula kay Sen. Manny.
"Thank you, Babe!" sey ni Jinkee sa kanyang post.
Samantala, sa kanyang Instagram account, ibinahagi rin ni Manny — na kamakailan lang ay nagdiwang din ng kanyang 42nd birthday — ang kanyang short but sweet birthday message for his wife.
Aniya, "I wish I could put into words how much you mean to me! Thank you for being an amazing wife and mother to our kids. Happy Birthday babe!"
Ang sweeeeeeet!