top of page

Sa 4-shift 24/7 daily work, tiyak sisigla ang ekonomiya

  • BULGAR
  • Mar 21, 2022
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | March 21, 2022


ISINUSULONG ang 4-day workweek.


Huhh, mas mainam ‘yan kaysa sa 15-30.


◘◘◘


SA totoo lang, mas mainam ay 24/7 ang trabaho.


Bakit? Ibig sabihin, kahit gabi o araw — masigla ang kilos ng ekonomiya.


◘◘◘


ANG 4-day workweek ay lipas nang ideya.


Kinopya lang ito sa mga tamad.


◘◘◘


MAS mainam ay kung ipatutupad ang 6-hour day-work.


Pagkatapos ay sabayan ito ng 4-shift 24/7 daily work.


◘◘◘


SUSUMAHIN dapat ang suweldo batay sa “bilang ng oras”.


Kumbaga, per hour ang pasuweldo.


◘◘◘


ANG kailangan ay mapasigla ang ekonomiya.

Magagawa ito sa 24/7 work loads.


Kahit gabi o araw, nagtatrabaho ang mga tao.


◘◘◘


DAPAT ipatupad ito sa gobyerno upang ang serbisyo ay dire-diretso. Layunin nito na mai-decongest o maihiwalay o mabawasan ang pagdagsa ng mga kostumer, kliyente o benepisaryo sa otso-oras na “8am to 5pm” work schedule.


‘Yan ang totoong inobasyon.


◘◘◘


HINDI dapat basta-basta nangongopya ng ideya, dapat ay mga originality.


‘Yan ang problema sa mga mambabatas — senador at kongresista, mga bopol at walang bagong ideya.


◘◘◘


KARANIWANG nahahalal ay ‘yung may panggastos sa media ads tulad ngayon.

Ang mga nasa unahan sa survey ay mga may unlimited budget sa media ads.


Kaawa-awa naman ang mga mahuhusay na kandidato pero walang badyet sa media ads.


◘◘◘


BULOK ang gobyerno dahil bulok ang mga nahahalal.


Nahahalal sila kasi’y naloloko nila ang botante gamit ang media ads.


◘◘◘


WALANG kakayahan ang mga botante na makapili ng matino.


Kasi’y hindi nila gaanong kilala ang mga mahuhusay.


◘◘◘


BABAHAGYA ang media ads nina bar top notcher Gibo Teodoro at top police general Guillermo Eleazar.


Hindi sila gaanong napapansin ng mga botante, kapos kasi sa media exposure.


◘◘◘


MAHALAGANG makapasok sa Senado sina Teodoro at Eleazar sapagkat makakapagbigay sila ng enerhiya at inobasyon sa paggawa ng batas.


Pero, bakit sila nasasapawan ng mga actor, trapo at gimikero?


◘◘◘


ANG mga botante ay kapos ng kakayahan na makapili ng matinong kandidato.


Kailangan kasing magbadyet ng bilyon bago maging senador at kongresista.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page