Ryzza, pang-camera lang? BIMBY, IBINUKING NA MAY GF NA
- BULGAR

- 1 hour ago
- 6 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 28, 2026

Photo: IG _richardgutz
May hula si Mamu sa relasyon nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial.
“Away-bati, away-bati, parang ganu’n ang relasyon nila,” ito ang paglalarawan ni Mamu Gloria.
Kasama sa listahan ni Romel sina Richard at Barbie sa hiningan niya ng update sa kaibigan niyang Tarot card reader kung ano ang nakikita nito tungkol sa dalawa, tungkol sa kanilang karera, relasyon at kung saan ito patungo.
“Sa cards kasi, laging nagtatalo tapos maya-maya, bati sila, ganu’n. So dito sa devil (card), posibleng may ayaw sa kanya (Barbie) kung relasyon ang pag-uusapan natin. Kung itatanong mo kung magkakatuluyan sila o kung ikakasal ba sila, dito sa baraha, hindi! ‘Di rin sila magkakatuluyan,” diin ni Mamu Gloria.
“Bakit?” tanong ni Romel Chika.
Ipinokus ang camera sa mga baraha, “Kung makikita mo, maraming tutol dito, eh (sabay turo isa-isa). ‘Di kaya pinaplastik lang s’ya (Barbie)? Parang ganu’n. Kunwari, okay ‘pag magkaharap pero ‘pag magkatalikod, hindi. ‘Yan ang relasyon nila, ‘di magkakatuluyan sa huli.”
“Nakakalungkot naman,” reaksiyon ni Romel Chika.
Magtatagal naman daw ang relasyon nina Chard at Barbie bilang magdyowa, pero sa huli, maiiwan ang aktres.
“Nag-iisip s’ya (Barbie) ng kasal o magsasama sila. Maaaring magsasama sila, pero alam mo ‘yung literal na maging sila? Negative. ‘Di sila magiging mag-asawa hanggang pagtanda.
“Sa career, kung may iba pa itong (Barbie) ginagawa, maaaring du’n s’ya maging successful. Pero kung pagiging artista, wala, negative!” diretsong sabi ni Mamu base sa nabasa niya sa baraha.
Sey ni Romel, “S’yempre, tahimik lang din mga ‘yan, lumabas lang naman sa baraha, ‘di ba? Maaaring mali (at) maaaring tama, kaya nga po hula.”
Samantala, ang nabasa naman ni Mamu Gloria tungkol kay Richard na napansin pa ni Romel Chika, laging lumalabas ang devil card na lumabas din kay Barbie.
“Lumabas din kanina, ‘di ba?” sambit ni Mamu.
Aniya, “Bakit lumalabas ang devil card? May mga tao kasi na ayaw sa kanila, ayaw silang magkatuluyan. Pero dito, ‘pag career naman ang pinag-usapan natin, sa ngayon, kumbaga, ‘di s’ya ganu’n kaingay, magkakaroon lang s’ya ng project, ganu’n lang.
“‘Pag relasyon naman, ganu’n din ‘yung relasyon n’ya rito sa cards n’ya, ganu’n din—nagkakatampuhan, nagkakabati, nagkakatampuhan, nagkakabati. At the end of the day, ‘di rin sila (magkakatuluyan), sa kanya rin kasi parang nakikita n’ya ang sarili n’ya na ‘di sila talaga.”
Sabi ni Romel, “Ang mahalaga naman, Mamu, ay masaya sila ngayon (sinang-ayunan naman ito). Saka na nila problemahin ang future para maiwasan at ma-cure.”
“Kung sakali si Richard ‘yan, eh, (pagpaplano), kung sakaling magreretiro na sa mga susunod na taon, mas maganda kung sa ibang bansa s’ya manirahan, mukhang nandu’n kasi ‘yung suwerte n’ya (business). Oo, mag-business. Oo, ‘yan, oh (sabay turo sa baraha). ‘Yan (turo ulit), du’n s’ya magkakaroon ng pera.
“Ganu’n ‘yung kasunod ng path n’ya ngayon. Ibig kong sabihin, sa pagtatapos o sa pagreretiro n’ya sa pag-aartista,” esplika ni Mamu.
“Pero masyado pang maaga kung magre-retire na s’ya,” sey ng co-host ni ‘Nay Cristy Fermin sa Cristy Ferminute at Showbiz Now Na.
Sabay turo ni Mamu sa mga baraha, “Ito naman ay future kung sakali. Wala na (mabasa), tahimik lang din ‘to, eh. ‘Di sila ganu’n kaingay, pinapahalagahan nila ‘yung privacy nila.”
Ayon kay Romel ay gabay lang ang lahat ng nabasa ni Mamu Gloria sa kanyang mga baraha tungkol sa mga personalidad na hiningan niya ng update, at sa ibang mga nabanggit na hindi maganda ang hula ay para makapag-ingat o umiwas.
Ryzza, pang-camera lang? BIMBY, IBINUKING NA MAY GF NA
Ayon sa Tarot card reader na si Mamu Gloria Escoto, hindi linya ni Bimby Aquino Yap ang showbiz. Base ito sa Tarot cards na nabasa niya nang magpa-update sa kanya ang kaibigang stand-up comedian/host/vlogger na si Romel Chika.
Isa si Bimby sa mga Dabarkads ngayon ng Eat…Bulaga! (EB!) na napapanood sa TV5 at ka-love team niya si Ryzza Mae Dizon na patok naman sa mga netizens.
Natanong muna ni Romel Chika ang singing career ng bunsong anak ni Kris Aquino.
“Parang ‘di rin kasi ito ang path n’ya, ang pagiging artista o kung ano pa man, ‘di, eh. Itanong mo kung sisikat s’ya, ‘di, eh, negative.
“Meron s’yang ibang dapat pagtuunan. Kung sila ay may negosyo, maaaring du’n na lang s’ya (Bimby) dapat mag-focus. Sa pag-aartista kasi, wala, eh,” diin ni Mamu Gloria.
“‘Di n’ya mahi-hit ang kasikatan ng kanyang ina (Kris)?” tanong ulit ni Romel Chika.
“Hindi, ‘di n’ya mamamana ‘yung kasikatan ni Ms. Kris,” sagot kaagad ng Tarot card reader.
Dagdag pa, “Kung magsi-shift s’ya, magpapalit s’ya (career) at kung ang gagawin n’ya ay magiging businessman o magpapatakbo ng negosyo, du’n s’ya (sisikat).
“Magtatagal naman (sa EB!) tulad nga ng sabi ko, puwedeng magdugtong sila ni Ryzza na sabay silang aangat at sabay ding baba. ‘Di showbiz ang para sa kanya (Bimb).”
Binanggit na ring may dyowa now ang binata.
“Kung relasyon naman ang pag-uusapan natin, masaya naman s’ya sa girlfriend n’ya,” kuwento ni Mamu.
Nagulat si Romel Chika, “May girlfriend ba si Bimby?”
“‘Yan, oh (sabay turo sa barahang may babae), masaya naman s’ya. Itong batang (Bimb) ito ay positive naman ito, sa totoo lang, lahat ng bagay, sinusubukan n’ya. Siguro ay hinahanap n’ya kung ano ‘yung fit sa kanya. Wala namang negative sa kanya, sa lahat ay willing n’yang i-try at wala namang mangyayari sa kanya, sinusubukan n’ya lang ang lahat ng bagay,” esplika ni Mamu Gloria.
Samantala, may hula rin si Mamu sa relasyon nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial.

Comments