Russel, isusunod ni Magsayo sa listahan ng patutumbahin
- BULGAR
- Aug 25, 2021
- 2 min read
ni Gerard Arce - @Sports | August 25, 2021

Dumating na ang pinakahihintay na pagkakataon para kay Mark “Magnifico” Magsayo na matupad ang matagal ng pinapangarap na world title fight matapos ang kagila-gilalas na knockout victory kontra sa dating world titlist na si Julio Ceja ng Mexico at sunod na ilinya si WBC Featherweight title holder Gary Russell Jr.
Isang matinding straight punch na sinundan ng follow up na kanang suntok ang tuluyang tumapos sa dating WBC super-bantamweight champion na nagresulta sa pagkakatulog nito sa 10th round ng 12-round scheduled title eliminator noong Linggo sa Pacman-Ugas undercard fight.
“I just worked a lot on the straight punches,” wika ni Magsayo. “I kept working it round after round and when I saw he was hurt, I followed up.”
Inamin ni Magsayo, na napanatili ang malinis na kartada sa 23 sunod na panalo, mula sa 16 knockouts. “I’m so glad for the outcome. I expected his style to make it happen and I expected a knockout,” pahayag ng 26-anyos na tubong Tacloban, Leyte, na sakaling hindi napabagsak si Ceja ay alanganin sa mga huradong sina Max De Luca at Lisa Giampa na parehong may iskor na 86-83 at Don Trella na may 87-82 na pabor lahat sa Mexican boxer.
Matapos ang knockdown, tila mas nabuhayan ng loob at pagpupursige si Ceja na determinadong makabawi sa nakuhang pagbagsak na patuloy sa kanyang pressure style na atake. Hindi nagtagal ay nagresulta ang ginagawang atake sa ika-5th round mula sa left uppercut para mapaluhod ang WBO International featherweight titlist at mailigtas ng bell sa pagtatapos ng naturang round.
“I got knocked down and was surprised, but I focused my mind on what I wanted, a world championship shot,” sambit ni Magsayo na maaring lumaban sa kanyang kauna-unahang world title fight matapos hawakan ang regional title na WBO International featherweight. “It’s my dream today and now it’s coming true. Hopefully my next fight will be for the world title.”





Comments