Runner Wangkay bronze sa Dakar Youth Olympic Games

by Gerard Arce @Sports News | November 12, 2026

Photo: Ikalawang medalya ng Pilipinas ang itinakbo ni Pi Duren Wangkay sa 2026 Dakar Youth Olympic Games sa men’s 200-meter finals sa Senegal. (POCmedia)
Itinkabo ni Pi Duren Wangkay ang ikalawang medalya ng Pilipinas sa 2026 Dakar Youth Olympic Games matapos na makuha ang bronze medal sa men’s 200-meter finals sa Complexe Iba Mar Diop Stadium sa Senegal.
Sinundan ng 2025 Asian Youth Games titlist ang nakuhang silver medal ni Naomi Cesar sa women’s 800-m event – na tila kinapos ng maliit na segundo para makuntento sa bronze medal kasabayan si Deuquan' Farrell ng Guyana.
Tumapos ang 17-anyos na Palarong Pambansa “Sprint King” ng 21.355 segundo, na nalampasan ng katiting na segundo ni Farrell sa 21.359 sa isang photo finish na tagpo, habang nakopo naman ni Ropafadzo Mzondo ng Zimbabwe, sa 21.04 segundo, na kauna-unahang ginto ng kanilang bansa sa Youth Olympic Games.
Ayon sa 33rd SEAG competitor, hindi niya inaasahang makakakuha siya ng medalya, lalo pa’t dikdikan ang labanan para sa puwestuhan sa podium finish, kaya’t lubos na ang kaligayahan nito sa nakuhang tagumpay para sa bansa.
Maituturing din na kauna-unahang Pinoy na atleta na nagwagi ng medalya para sa Pilipinas sa YOG, na nagawa ding makuha ang kanyang bagong personal best at magsagawa ng bagong tala sa under-18 at under-20.





Comments